^

PSN Opinyon

‘Tanim-bala is extortion. Stupid!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MARAMING naniniwala kabilang ang kolum na ito, ang “tanim-bala” ay hindi isang scam hanggat hindi napapatunayan. Kahit si P-Noy naniniwala rito.

Subalit ang extortion o pangingikil ay hindi isang scam. Ito’y gawaing kagaguhan ng ilang mga gago at kapalmuks sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang extortion ay may simpleng pamamaraan o diskarte tulad ng mga mangilan-ngilang dupang sa NAIA gamit ang “tanim-bala” sa kanilang pangingikil.

Naglabasan na ang mga biktima sa nakaraang im­bestigasyon ng Senado. Sinisigaw ang inhustisya, pang-aabuso ng ilang mga gago sa NAIA!

Natatandaan niyo ba ang linyang ito, “Saan po kayo kumukuha ng kapal ng mukha?” Bakit hindi natin narinig ang linyang ito kay P-Noy na ang target ang mangilan-ngilang malalakas ang loob at  kapalmuks  sa NAIA?

Bakit kinakailangang “balansehin” kung totoo o hindi na ang “tanim-bala” ay isang uring scam sa NAIA?

Linawin natin. Ang scam sa kabuuan ay may “istruktura,” may pamamaraan. Ang scam ay maaaring nag-uumpisa palang tulad ng modus, hinahaluan at binabago ang pamamaraan at estilo kung sinumang may utak nito.

Ang extortion ay hindi scam! Ito’y estilong pangingikil ng mangilan-ngilan na may halong pananakot at pagbabanta na magiging miserable ang buhay mo kapag hindi ka nagbayad o nagbigay. Kapag ikaw ay nagbigay, larga ka. Kapag hindi, patay kang bata ka!

Ito ang istorya ng extortion ng mga malalakas ang loob at halang ang mga bituka sa loob ng malaking istruktura tulad ng NAIA.

Lumabas na nga ang kahiya-hiyang nangyari sa imbestigasyon sa senado sa mga namumuno sa NAIA kabilang na si DOTC Sec. Joseph Abaya at ang pinsan ni PNoy na si MIAA General Manager Angel Aquino Honrado.

Hanggang kasalukuyan, kapalmuks pa rin at dedma lang ang mga ito at sinisisi pa ang media na‘sinin-sensationalized’ daw ang “tanim-bala”?

Kaya’t inuulit ko, TANIM-BALA is EXTORTION. Stupid!

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAKIT

GENERAL MANAGER ANGEL AQUINO HONRADO

HINDI

ITO

JOSEPH ABAYA

KAPAG

MGA

NAIA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with