^

PSN Opinyon

Maling kalakaran ng police station

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG grupo ng mga menor de edad ang nag-riot noong Miyerkules ng madaling araw sa Bgy. Tonsuya, Malabon. Mga magkaaway na “fraternity” ang nagbatuhan at nagpukpukan, may narinig pang putok na galing umano sa isang sumpak. Sa loob ng isang oras, da­l­wang beses nag-riot ang magkaaway na grupo. Siguro ordinaryo na lang ang balitang ito, pero nag-riot sila malapit lang sa Police Station 8 sa nasabing lugar. Sa loob ng isang oras at dalawang enkuwentro, walang rumes­pondeng pulis o barangay tanod.

Nataon naman na may dumaang ABS-CBN news team habang nagaganap ang batuhan. Nakuhanan ng video ang mga pangyayari. At dahil may malapit na istasyon ng pulis, pinuntahan ng news team. Kumatok, dahil sarado ang pinto. Walang sumagot. Nang buksan, ayan, nakuhanan ang dalawang pulis na duty na tulog na tulog. Wala naman ang ibang pulis na dapat duty ng oras na iyon. Nang makapanayam ng news team ang station commander ilang oras matapos ang riot, tila hindi alam ang isasagot kung bakit walang rumesponde, tulog ang mga pulis na duty at wala pa ang isang dapat naka-duty. Naiintindihan ko na mahirap mag-duty ng ganung oras, pero dapat laging may gising sa stasyon. Rumoronda raw kaya wala sila. Pero isang oras na nag-aaway ang mga bata, wala pa ring rumesponde? At nasaan ang mga tanod? Takot ba sila sa mga bata? Mabuti pa ang tricycle driver na nakuhanan sa video. Nakasandal lang sa kanyang tricycle habang nasa gitna siya ng gulo na tila walang nangyayari!

Sinibak na ang station commander, ang dalawang tulog na pulis, pati na rin ang pulis na wala umano sa kanilang duty. Hindi raw puwede ang ganitong kalakaran sa isang istasyon ng pulis. Oo nga naman. Magtataka pa ba tayo kung bakit kapag may krimeng nagaganap ng gabi o madaling araw, matagal ang pagresponde ng pulis? Nakita na atin ang maaaring dahilan. Sana naman hindi lahat ng istasyon ay ganito ang kalakaran.

Kailangan na ring baguhin ang batas kaugnay sa mga batang nasasangkot sa krimen o bayolenteng aktibidad. Tila alam ng mga ito na hindi naman sila makukulong, kaya wala silang pakialam kung ano pa ang gawin nila sa buhay. Wala ring pakialam ang mga magulang, kaya dapat kasama na rin sila na dapat sisihin sa ginagawa ng kanilang mga anak. Parang ito pa nga ang dahilan ng barangay kaya hindi na rin sila nagiging mahigpit sa mga bata ay dahil hindi naman makukulong o makakasuhan at dadalhin lamang sa DSWD, na makakalabas rin matapos ang ilang araw. Dapat baguhin na talaga ang batas hinggil sa mga batang ganito na mamuhay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BGY

DAPAT

DUTY

HINDI

MGA

NANG

POLICE STATION

PULIS

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with