^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Parami nang parami mga batang kalye

Pilipino Star Ngayon

NARANASAN n’yo na bang habang nakasakay sa jeepney ay may batang magpupunas sa inyong sapatos gamit ang marusing na trapo o basahan? Bawat mga sapatos ng pasahero ay isa-isang pupunasan ng bata. May nag-aabot ng pera sa bata – P2 o P5 -- at pagkatapos maabutan  ay bababa na ang bata para humanap naman ng iba pang sasampa­hang jeepney na maraming pasahero.

Ngayon ay hindi na ganito ang ginagawa ng ilang batang kalye. Nag-level up na sila at hindi na batang palaboy ang tawag sa kanila kundi mga “batang hamog” na. Hindi na rin sila nagpupunas ng sapatos ng pasahero ang kanilang ginagawa kundi hinahablutan na nila ng cell phone, bag o pinipitasan ng hikaw ang pasaherong babae at saka lulundag ng jeepney. Iglap lang at wala na ang “batang hamog’’ at maghahanap na naman ng bagong biktima.

Ang pang-i-snatch ng mga “batang hamog” sa gamit ng mga pasahero ay nakaaalarma na. Kagaya nang nangyaring pag-agaw ng isang “batang hamog” sa cell phone ng isang babaing pasahero. Nakunan ng video ang pang-aagaw ng cell phone habang ang jeepney ay nasa C5 at naka-stop. Biglang sumakay ang snatcher at sa isang iglap ay nahablot ang CP ng babaing pasahero na nakaupo sa hulihan. Kitang-kita ang paghablot at pagtalon sa dyipni ng “batang hamog”. Mabilis na nakatakas ang bata at palalamigin lang ang sitwasyon at manghahablot na naman.

Paulit-ulit na ang ganitong pangyayari at wala namang takot ang mga “batang hamog” na para bang balewala sa kanila ang lahat. Para bang mga robot sila na walang damdamin. Siguro’y natuyo na ang kanilang utak dahil sa pagsinghot ng solvent.

Ang ahensiyang may responsibilidad sa mga “batang hamog” ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sila ang may kapangyarihan para alisin ang mga batang naglipana sa kalye.

Delikado na ang ginagawa ng mga batang hamog na nagmula sa pakonti-konting pagnanakaw hanggang sa lumaki nang lumaki at di-magtatagal, manghoholdap na sila ng banko.

Gumising sana ang DSWD sa nangyayaring ito na dumarami nang dumarami ang mga “batang hamog’’.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATANG

BAWAT

BIGLANG

DELIKADO

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

GUMISING

HAMOG

IGLAP

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with