^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Air pollution grabe na!

Pilipino Star Ngayon

HINDI na nabibigyan ng atensiyon ng mga ahensiya ng pamahalaan ang grabeng air pollution sa Metro Manila. Ano ang ginagawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa problemang ito? Matatapos na ang termino ni President Noynoy Aquino sa susunod na taon suba­lit maiiwang walang magandang nagawa sa improvement ng kalidad ng hangin. Walang maaalala sa Aquino administration na gumawa ng hakbang para mai-ligtas ang mamamayan sa nakakamatay na hangin.

Mapanganib nang langhapin ang hangin sa Metro Manila sapagkat marami nang sakit na makukuha. “Air pollution kills,” ito ang sinabi ng mga doctor. Ang usok na ibinubuga ng mga pampasaherong sasakyan (particular ang bus) ay nagdudulot ng mga sakit. Bukod sa usok ng mga sasakyan, ang smog na nakalambong sa kalawakan ng Metro Manila ay banta sa kalusugan ng mamamayan sa Metro Manila. Nagdudulot ng noncommunicable diseases (NCDs). Kabilang sa mga sakit na idinudulot ng air pollution ay ang allergies, acute respiratory infections, chronic obstructive pulmonary diseases, cancer at cardiovascular diseases.

Ang mga taong nagbibiyahe araw-araw ay nakalantad sa panganib ng pagkakasakit. Araw-araw, nalalanghap nila ang maruming hangin na dulot ng mga sasakyan. Bukod sa usok, nalalanghap din ang mga usok ng sinunog na basura, goma, at marami harmful wastes na delikado sa kalusugan.

May newspaper columnist na nagpayo sa PAGASA na isama ang pagrereport ukol sa air quality index para malaman ito ng mamamayan. Mahalaga raw ito. Sa ibang bansa ay ginagawa na raw ito at dapat ding gawin sa Pilipinas.

Wala nang magagawa ang Aquino administration para mapabuti ang kalidad ng hangin sa Metro Manila. Ang inaasahan na lamang ngayon ay kung may gagawin ang susunod na Presidente sa 2016 sa problema sa air pollution. Dapat isama ng presidentiables sa kanilang plataporma ang ukol sa paglutas sa air pollution sa Metro. Kapag hindi pa ito nalutas, darating ang panahon na hindi na matitirahan ang Metro Manila dahil sa nakasusulasok na hanging may lason. Hindi sana ito malimutan ng susunod na pinuno.

vuukle comment

ACIRC

AIR

ANG

AQUINO

BUKOD

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ITO

METRO

METRO MANILA

MGA

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with