^

PSN Opinyon

Ang pantasya ni Lina

Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

ANG pantasya ay isang ilusyon na bunga lamang ng imahinasyon at salat sa katotohanan. Sa salitang kanto, dro­wing. Hindi totoo. Isang kasinungalingan.

Dahil sa pantasya, nagdesisyon si Customs Commissioner Alberto Lina na buksan ang balikbayan box dahil ginagamit daw ito sa smuggling ng baril at droga.

Dahil grabe ang paratang ni Lina, binusisi ni Sen. Bongbong Marcos sa imbestigasyon sa Senado kung mayroong record ang Customs ng drug at gun smuggling gamit ang balikbayan box na padala rito sa Pilipinas ng ating OFWs.

Nabuko si Lina nang aminin na wala silang aktuwal na nakitang kontrabando tulad ng baril at droga. Kung ganun, ano ang batayan ni Lina nang tiyakin niya na ginagamit ang balikbayan box para magpasok ng droga at baril sa ating bansa?

Sagot ni Lina, natanggap lang niya ang impormasyon sa tawag sa telepono na iyon ang modus operandi ngayon ng mga smuggler.

Iyon lamang ang batayan ni Lina para siya magde­sisyon na buksan ang balikbayan box? Sa batas, hindi ito maituturing at hindi matatanggap na ebidensiya dahil walang dokumentong magpapatunay na gamit nga ang balikbayan box sa smuggling.

Isang pantasya na hindi niya napatunayan kung totoo, basta na lamang siya naniwala sa tinanggap niyang tawag sa telepono? Hindi man lamang niya hiningan ng ebidensiya ang  nagsumbong sa kanya?

Delikado para sa isang lider ang agad naniniwala sa sabi-sabi. Dahil ito ay pagpapatunay na ang naniniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili.

At dahil walang ebidensiya si Lina na ginagamit nga sa smuggling ang balikbayan box, kaya ang sinasabi niyang nalulugi ng mula P3 bilyon hanggang P5 bilyon sa bawat taon ang gobyerno ay hindi fact kundi fiction. In short, drowing, espekulasyon, haka-haka.

Katunayan, sa loob ng anim na taon ay 38 karton lamang ang sinamsam ng gobyerno at ang halaga ng kontrabando ay P12.3 milyon. Maliwanag na nagsinungaling na naman si Lina sa ikalawang pagkakataon.

Pero ang tunay na nakababahala ay ang plano ng gobyerno na taasan ang singil sa container ng balikbayan boxes. Mula P80,000 ay gagawin itong P120,000 at maaari pang umabot sa P180,000 ngayong Oktubre. Natural na babawiin ito sa pamilya ng OFW na sisingilin  nila ng P250,00 bawat karton.

Napapanahon din ang plano ng Senado na amyendahan ang batas na kapag ang padalang pasalubong ng OFW sa balikbayan box ang kabuuang halaga ay P10,000 pababa  ang halaga ng balikbayan box ay libre sa buwis. Dapat lamang.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BALIKBAYAN

BONGBONG MARCOS

BOX

CUSTOMS COMMISSIONER ALBERTO LINA

DAHIL

DAPAT

ISANG

LINA

SENADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with