^

PSN Opinyon

Good cops vs. bad cops

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SINUPALPAL ng ‘good cops’ sa pangunguna ni PNP S/Supt. Ronald Lee, hepe ng PNP Task Force Tugis matapos maka-ingkuentro ang isang ‘bad cop; at ikinasugat ng kanyang tatlong ason dahil sabit diumano ang mga ito sa gun smuggling at iba pang mga illegal activities.

Sabi nga, bhe, buti nga!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lihim na tina-trabaho ng ‘good cops’ ang mga ‘bad cops’ sa order ni CPNP Ric Marquez para salain ang PNP sa mga gagong miembro nila na sumisira sa kanilang imahe.

‘Dedbol si QCPD SPO1 Wilberto Blanco, active diumano’y ‘foolish cop’ na nakatalaga sa Anonas Police Station 9, ng lumaban ito sa grupo ni Lee ng Task Force Tugis.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sangkaterbang nakabinbin na kaso tulad nang kidnapping, illegal arrest, at planting of evidence.

Ika nga, dismissable offense ito!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Blanco ay bagong talaga lamang sa Station 9, dahil from QCPD Station 6 kaya naman pinabubulatlat ni CPNP Tinio ang mga pinaggagawa nito at nirirebisa kung anong line of duty at status nito sa dating pinaglilingkurang police station.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tinitignan ng ‘good cops’ sa Crame kung paano napunta sa baluktot na daan si Blanco kaya naman dapat magsilbing eye opener ito sa lahat ng ‘foolish cops’ dahil kinokondena nila ang ganitong gawain.

Ayon kay CPNP Tinio, alaws makukuhang benepisyo ang gumagawa ng iligal na aktibidad na tulad ni Blanco.

‘Hindi birong mataaas na uri ng mga boga ang nakumpiska ng ‘good cops’ with matching 1 kilong shabu sa grupo ni Blanco.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Abangan.

Proper coordination para sa traffic sa Metro - Manila

PARA mapaluwag ang trapik sa Metro - Manila partikular sa kahabaan ng EDSA ‘kapalpakan’ ang ibalik este mali ‘odd - even traffic scheme’ ang gawin dahilan? Hehehe!

Ikinuento ni Ka Bert Suansing, ng Philippine Global Road Safety Partnership, sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi dapat sisihin ng mga bright ang pagdami ng mga vehicles kundi ang dapat pagtuunan ng pansin ay kung paano o ano ang mga gagawin sa mga nagpapasikip sa kalye na dapat sumpungin este supilin pala.

‘Mga embudo sa trapiko na dulot ng hindi tamang pagmando sa trapik ang tunay na nagpapahirap sa mga motorista.’ banat ni Ka Bert.

Tanong - may ‘layagan’ ba at may nakikinabang sa kalakaran kaya traffic?

Sagot -  itanong mo sa mga bugok na traffic enforcers para malaman mo ang dahilan kung bakit may volume .

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang sinisisi ng mga bright kaya grabe ang traffic ay dahil sa volume o dami ng mga sasakyan sa kalye partikular sa EDSA pero ang palusot ay manipis parang ‘utot’ lang, ang real story lang may mga sagabal sa kalsada kaya dumarami o may volume dahil sa embudo.’

For your information, si Ka Bert ay dating LTO chief, kaya alam niya ang kanyang sinasabi at nangyayari sa mga kalye dahil sanay ito dito kasi nga tumagal din siya bilang api este mali hepe pala sa LTO, kaya naman sinopla niya ang gustong mangyari ng MMDA na magkaroon ng ‘odd-even traffic scheme’ katulad halimbawa nang mga sasakyan ending o odd numbers bawal sila sa kalsada ng M-W-F dahil ang plate numbers nila ay ending 1,3,5,7 at 9, kapag T-TH-S bawal sa kalye ang 2.4.6.8 at 0.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noon pa ito sinubukan pero wala ring nangyari kaya pinalitan ito ng number coding. Hehehe !

‘Hindi ito matatanggap ng mga motorista basta-basta dahil alam nila ang mangyayari sa pakulong ito kasi nga naman sinubukan na ito noon ang importante baklasin o hulihin ang mga sagabal sa kalye na dahilan kung bakit lumalala ang traffic.’ sabi ng kuwagong pa bright,bright.

Bakit may mga sagabal?

Sagot - may payola?

‘Anong crayola?’

Kamote, payola ito iyong ‘kalakaran’ o lagayan sa kalye para hindi mahuli ang mga drivers na gumagawa ng obstruction sa mga kalsada tulad ng illegal terminal, illegal parking, pag-pik up at pagbaba ng mga pasahero sa hindi tamang mga lugar at ang suwapangan sa pagkuha ng mga sasakay sa kanila.

Ika nga, balagbagan doon, balagbagan dito, harangan doon, harangan dito!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat pulungin mabuti ni MMDA chairman Francis ‘for Senator’ Tolentino ang Metro - Mayor pag-usapan nila ito nang maayos, maglaan ng pondo para sa two way radios na isa lamang ang frequency para hilahin ng hilahin o tabuyin ng mga traffic enforcers ang mga sasakyan dumarami sa isang lugar kaya nagpapalala ng trapiko,

‘Ikalat sa EDSA, bawat kanto, bawat bus stop ang mga traffic enforcers, LTO flying squad, PNP - HPG para itaboy ang mga balakid sa kalsada hindi tulad nang nangyayari ngayon na isang pulutong ang mga ito sa iisang lugar kaya paglagpas sa kanila ng mga bus tiyak banat ulit ang mga abusadong drivers.’ sabi ng kuwagong kulang sa pinag-aralan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat pagtuunan ng pansin ni Tolentino ang nangyayari sa Metro - Manila hindi iyong nasa probinsiya siya at nag-iikot?

Bakit?

Sagot - para makilala!

‘Dapat may ‘political will’ ang itatalaga o ipapalit kay Tolentino?’ sabi ng kuwagong CO2 - 10 sa Aguinaldo.

Abangan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ASSET

AYON

ITO

KAYA

KUWAGO

MGA

MISMO

ORA

SABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with