^

PSN Opinyon

Video karera

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NOONG unang linggo ng Agosto nagpalakpakan ang mga taga-Tondo matapos salakayin ng mga tauhan ni Supt. Redentor Ulsano ang mga salot na video karera sa kanyang nasasakupan. Sa sobrang katuwaan ng mga taga-Tondo sinamahan pa nila ang mga operatiba haggang sa makarating ng opisina ni Ulsano dahil ito lang ang paraan na makakatiyak sila na dadalhin ng mga pulis ang mga makina sa istasyon ng pulis. Kita n’yo na mga suki, sa reaksyon ng mga tao talagang galit na sila sa operasyon ng mga makina dahil ito ang pinagpipistahan ng mga adik, front lamang pala ito ng mga big time pusher. Ang masakit maging ang mga kabataan ay naloloko sa paglalaro ng VK kung kaya dumarami ang mangmang.

Ang pagsalakay  umano ni Ulsano ay bilang tugon sa kautusan ni Manila Mayor Joseph “ Erap” Estrada, ngunit  teka, bakit mukhang ang pinuntirya lamang ay ang mga makina na may sticker na RR. Syempre may sumama ang loob kay Ulsano kabilang na rito sina Tabatsoy at Sunog Baga dahil kung bakit sa dinami-dami ng mga nagkalat na video karera/fruit games machine sa naturang lugar ang pinuntirya lamang ay itong RR. Ayon naman sa insider ko sa PS-1 naging mainit lamang umano  si Erap sa mga VK ni RR dahil sa masamang mensahe nito sa Facebook, he-he-he! Ngunit kung naghinagpis ang kalooban ni RR sa pagkahuli ng ilan niyang makina natuwa naman itong si PO3 Ronald Bautista, alias “ Onay”  dahil wala sa listahan ng mga huhulihin ang may 200 makina ni Romy Gutierrez.

Ayon pa sa aking mga insider, may 13 makina ang nadala sa presinto na halos mga bagumbago pa. Ngunit mukhang minamalas si RR dahil makalipas ang ilang araw na pamamalagi ng kanyang mga makina sa PS-1 unti-unti naman nagkakandawala ang mga piyesa katulad na lamang ng pannel board. Nagkakahalaga pala ito ng mahigit P20K ang bawat pannel board kung kaya naghahabol ang VK operators sa tuwing mahuhuli. Subalit mukhang nakakuha ng right connect si RR mula sa MPD headquarters at nito ngang nakalipas na linggo nabawi ang mga makina sa kamay ni Ulsano subalit kulang-kulang na ang mga piyesa kung kaya ang naiipit dito ay sina PO3 Bautista, alias “ Onay”  at Sarhento Gener Fresnedi.

Ayon kasi sa aking mga nakausap sa Tondo, si PO3 Bautista, alias “ Onay” ay locator ng mga VK ni Romy Gutierrez sa kaharian ni Ulsano samanatlang si Fresnedi, alias “Paknoy” ay locator naman ng mga VK ni Enteng sa nasasakupan ni Supt. Joel Villanueva sa Abad Santos Police Station-7. Hindi lamang umano VK ang pinagkikitaan ni Paknoy dahil siya rin ang sanggang dikit ni Obet Ignacio sa malawak na operasyon ng jueteng.  Madali lamang umanong makita si Paknoy dahil mahilig itong magpainom at magpakain  sa  Sizzling Grills diyan sa may  Remigio Street, Sta Cruz, Manila. Malaki umano ang kubransa nitong pa-bookies ni Paknoy at Ignacio araw-araw at nakakamenos umano ito ng intelihensiya sa NCRPO dahil si Paknoy na rin ang tumatayong taga-ayos. Ewan ko lang kung kayang sawatain ni RD. Joel Pagdilao ang mga naglipanang VK at jueteng sa Maynila dahil mukhang nadismaya na itong mga Manileños sa pagbabalewala ni MPD director C/Supt. Rolando Nana. Abangan!

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

DAHIL

MAKINA

MGA

NBSP

ONAY

PAKNOY

ROMY GUTIERREZ

ULSANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with