^

PSN Opinyon

FOI priority pa rin -- Speaker Sonny

Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MARAMI na ang nawalan ng pag-asa na mapagtitibay pa ang Freedom of Information bill (FOI) bago matapos ang termino ni Presidente Aquino.

Kasi mukhang nabura na sa kalendaryo ng Kongreso ang pagtalakay dito. Pero ang sabi ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr., itinuturing pa rin itong priority measure.

Ngunit kadudaduda na maihahabol pa ito dahil papa­lapit na ang halalan na halos siyam na buwan na lang mula ngayon. Kapag naghain na ng certificate of candidacy ang mga kandidato, tiyak magiging abala na ang lahat ng mambabatas sa pangangampanya. Wala nang bill na ma­ipapasa pa.

Ayon kay Belmonte, ang FOI ay kabilang sa listahan ng mga priority measures ng dalawang Kamara ng Kongreso. Ibig sabihin, maipapasa raw ito bago sumapit ang campaign period sa February 2016.

Sana nga’y magkatotoo dahil ito ang inaasahan at inaasam ng taumbayan. Hindi lang ng mga media men kundi pati na ng mga ordinaryong tao na magkakaroon ng karapatang silipin ang mga dokumento ng mga tran­saksyon ng pamahalaan para mabatid kung paano nagagamit ang buwis na binabayaran nila. Isa rin itong pa­raan para maiwasan ang kaso ng mga katiwalian dahil ma­ngingilag na ang mga opisyal ng pamahalaan na gumawa ng kawalanghiyaan.

Kaso, may masamang ugali ang mga Kongresista. Kapag hindi nila kursunada ang bill, iniiwasan nilang pumasok para hindi makabuo ng quorum. Kaya iyan ang attitude ng maraming mambabatas sa deliberasyon sa Kongreso ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na nirebisa ni Sen. Bongbong Marcos.

Kahit si Speaker ay nagpahayag na ng pagkairita sa ganitong attitude ng kanyang mga kasamahan.  Hindi ba puwedeng kastiguhin ang mga iyan? Taubayan ang nagpapasahod sa kanila pero ayaw gawin ang kanilang mga trabaho.

Para sa akin, higit pa sa BBL ang FOI dahil lahat ng tao ay gustong mabatid kung paano nagagamit ang perang kanilang ibinabayad bilang buwis. Perang pinaghirapan nilang kitahin na kung walang karampatang transparency ay kinukurakot.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BANGSAMORO BASIC LAW

BELMONTE JR.

BONGBONG MARCOS

FREEDOM OF INFORMATION

HOUSE SPEAKER FELICIANO

KAPAG

KONGRESO

MGA

PRESIDENTE AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with