^

PSN Opinyon

Mar nagbitiw pero….

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAGSUMITE na ng courtesy resignation si DILG Sec. Mar Roxas kay Presidente Aquino pero mukhang may mga importante pang bagay na nais ipatapos ang Pangulo sa Kalihim.

Katunayan, sa flag-raising ceremonies ng PNP kamakalawa ay nagpaalam na si Roxas sa PNP at DILG. Inendorso na kasi siya ng Pangulo bilang presidential standard bearer ng Liberal Party sa 2016 presidential elections. Ayaw niyang mabahiran ng politika ang mga institusyon na kanyang pinagsisilbihan.

Pero anang Pangulo, gusto pa niyang manatili si Sec Mar sa posisyon dahil marami pang dapat gawin at dapat tapusin. Kaya pinakiusapan siya ng Pangulo na manatili muna. Well, siya ang Presidente at puwedeng tanggihan ang pagbibitiw ni Mar. Pero baka naman iyan ay maging tampulan ng batikos uli.

Para sa akin, huwag na sanang patagalin pa ang paghirang ng bagong DILG Secretary para walang masabi ang taumbayan, lalu na yung mga political detractors ng administrasyon. Si Roxas mismo ay naniniwala na dapat na siyang palitan sa DILG para hindi mapaghinalaan na ginagamit niya ang departamento sa pulitika. Kung ha­hanap ng kahalili para kay Roxas, dapat siguruhin na ito’y yaong may kakayahang maipagpatuloy ang mga gawain tulad ng disaster management, crime prevention at pangangasiwa sa mga lokal na pamahalaan.

Tungkol naman sa tinatawag na True State of the Nation Address ni VP Jojo Binay (TSONA), may mga nagsasabing wala siyang karapatang bumatikos sa administrasyon­ dahil siya mismo ay may mga kinakaharap na kaso.

Ang sabi ni Sen. Alan Peter Cayetano, mukhang “sour-graping” ang dating ni Binay porke hindi siya ang itinalagang presidential bet ni P-Noy gaya ng kanyang inaasam.

Binatikos ni Binay ang MRT, BBL, DAP, Yolanda, ang patuloy diumano’y paghihirap ng mga karaniwang Pilipino. Ngunit ayon kay Cayetano, limang taon siyang miyembro ng gabinete ni PNoy pero walang kakibu-kibo si Binay sa mga kapalpakang binabatikos niya ngayon.

Pero ano ba naman ang aasahan natin ngayong  ilang buwan na lang at sasapit na ang eleksyon. Mga dating magkakaalyado, nag-aaway na. Politika man ang dahilan ng mga maanghang na tuligsa ni Binay, gawin sana itong salamin ng pamahalaan para ituwid ang  pagkakamali.

vuukle comment

ACIRC

ALAN PETER CAYETANO

ANG

BINAY

JOJO BINAY

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

MGA

PANGULO

PERO

PRESIDENTE AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with