^

PSN Opinyon

Tunay na bilangguan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NATATANDAAN ninyo ang “Bilibid 19”? Sila ang 19 na bilanggo sa New Bilibid Prisons na namuhay ng marangya habang nakakulong. Mga kilalang drug lord na “nakabili” nang maraming guwardiya at opisyal sa NBP, kaya lahat ng kanilang luho ay nabigay sa kanila. Mga selda na kumpleto sa lahat ng kagamitan para sa kumportable at marangyang pamumuhay. Naka-aircon, may mga mala-laking TV, sound system, kusina, internet, cell phones, jacuzzi pa nga at mga gamit pang banda. Bukod pa iyan sa dami ng pera at baril na nakuha sa kanilang mga kubol kung saan sila “nakakulong”. Daig pa nga nila ang ilang hotel sa Pilipinas!

Lahat ito ay naging posible para sa kanila dahil patuloy pa rin ang kanilang criminal activities. Patuloy pa rin ang pasok ng pera, kaya kahit sino sa loob ng NBP, maging kapwa bilanggo, guwardiya at opisyal ay nabili. Lahat iyan napatigil nang isang biglaang inspeksyon ang ginawa ng DOJ sa kanilang mga kubol. Dinala ang 19 na “VIP” sa NBI at doon na muna ikinulong para malayo sa NBP na tila teritoryo na nila.

Ibinalik na ang 17 sa “Bilibid 19” sa bagong gusali sa NBP. Ang kanilang bagong selda ay walong metrong parisukat lang ang laki.Wala ang nakasanayang magagandang gamit para sa kumportableng buhay. May CCTV na nakatutok sa bawat selda para mabantayan nang husto. Kama, lababo at tabo na lang ang laman. Wala nang jacuzzi. Ang itinalagang mga guwardiya ay mga hindi mabibili. Sana nga. Dahil sa kanilang yaman, hindi pa rin malayo na makahanap ng paraan para makuha ang kanilang gusto. Kung sa NBI nga ay nakapuslit pa ng cell phone at pera. Kaya dapat na talagang bantayan. At walang silbi ang lahat na iyan kung ang mga nagbabantay ay “mabibili” lang ulit.

Dapat lang makatikim na ng tunay na pagkabilanggo ang mga kriminal na ito. Ilang taon din silang namuhay ng masarap. Nawalan ng bisa ang pagkakulong sa kanila. Nawala ang hustisya. Sana ay maramdaman nila ang hirap ng pagiging bilanggo, sa tunay na bilangguan. Hirap na hindi nila nakasanayan ng ilang taon. Sana ngayon, magdusa na sila.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BILIBID

BUKOD

DAHIL

KANILANG

LAHAT

MGA

NEW BILIBID PRISONS

SANA

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with