^

PSN Opinyon

Hilaw, hinog at sunog

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG si DILG Secretary Mar Roxas daw ay “hinog” na sa karanasan para maging susunod na Presidente ng Pilipinas, si Sen. Grace Poe naman ay “hilaw” pa,sabi ng iba.  Kung magkagayon, ano naman si Vice President Jejomar Binay? Ano pa eh di “sunog”.

Hindi ito panlalait sa kulay ni Binay. Alam kong si Binay ay very proud sa kanyang kulay kayumanggi. Pero ang sinabi ko ay  pagsasalarawan sa kalagayan niya ngayon na sunog na sunog na at bugbog sarado sa mga akusasyong ibinabato sa kanya.

Marami ang nagsasabi na si Sen Grace, bagama’t  may kalidad ng isang matapat na leader na walang mantsa ay kulang pa sa karanasan. Ibig sabihin, hilaw pa. Iyan ngayon ang laging iniisyu sa kanya.

Hilaw nga ba o baka naman, hindi siya dilaw o ayaw magpakadilaw? Ang manggang hilaw ay kulay berde pero kapag nahinog ay nagiging dilaw, hindi ba? Matagal ding niligawan ng administrasyon si Poe na  isaisantabi ang balak na tumakbo sa pagka-pangulo at maging bise na lang ni Roxas. Pero sa palagay ko, sa pamamayagpag ng rating ni Poe bilang Presidential bet, nakakondisyon na ang isip niya na “the presidency or nothing.”

Mukhang handang-handa na ang tambalang Poe- Escudero para sa napipintong eleksyon sa 2016. Kaya mag-abang na lang tayo sa mga maaari pang maganap. Matagal-tagal pa ang eleksyon at tiyak ko na may mga mangyayaring susorpresa sa atin.

Kung ayaw ni Grace na mag-vice kay Roxas, sino ang  gagawing running mate ng huli? May mga ugong na baka si Cong. Leni Robredo pero ayaw naman sa huli, wala siyang balak tumakbo sa ganung posisyon. Isa pa ring sinasabing pwedeng maging running mate ni Roxas ay si Batangas Governor Vilma Santos.

Ang isa pang posibleng option ay si Sen. Alan Peter Cayetano na batay sa isang survey na ginawa ng Philippine Star ay nangunguna sa mga gusto ng tao na maging katambal ni Mar Roxas sa 2016.

Kaya habang papalapit nang papalapit ang halalan, tiyak ko na  panay ang dasal ng ibang politiko riyan na sana ay sila ang napisil ng administrasyon para makatambal ng anointed presidential bet.

 

vuukle comment

ACIRC

ALAN PETER CAYETANO

ANG

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

BINAY

GRACE POE

KAYA

LENI ROBREDO

MAR ROXAS

MATAGAL

ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with