^

PSN Opinyon

‘Pagpili ng lider’

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Tayong Pilipino’y liligayang ganap

Kung tayo’y pipili ng lider na tapat;

Kaya sa eleks’yong di na magluluwat

Mga kandidato’y piliin ang dapat!

 

Mga lalaki at babaing sa ati’y lalapit

Sasabihin rekord nila ay malinis;

Pero sa totoo mga korap at dishonest

Pera lang ng bayan nais na makamit!

 

Kaya aling bansa sa bilog na mundo

Na lubhang madaya ang maraming tao?

Dito sa Philippines makikita ito

Ang nagpasasa mga pulitiko

Malayu-layo pa ang ating halalan

Iba’t ibang mukha ang naglalapitan;

May mukhang mabait ang iba’y matapang

Pero sila’y ganid mga magnanakaw!

 

Sa ngayo’y wala nang malinis na tao

Na hindi naghangad yumaman sa mundo?

Wala nang lider na dukhang kandidato

Na hindi nagnais yumaman nang husto!

 

Kandidato ngayo’y di tulad noon

Malinis ang budhing panghabang panahon;

Katulad ni Rizal at Quezon

Humarap sa bayang dakila ang layon!

 

Gulo sa Mindanao ang dapat sikapin

Ng mga nahalal nating mga lider;

Kung sarili lang kanyang mamahalin

Sayang lang ang botong ibibigay natin!

 

Dapat ding alamin ng leaders ng bansa

Kung may natanggap ng sapat na biyaya

Ang mga ulilang miyembro ng pamilya --

Ng 44 na sundalong SAF na ipinain yata?

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAPAT

DITO

HUMARAP

KANDIDATO

KATULAD

KAYA

MALAYU

MGA

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with