^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Halaga ng FOI Bill

Pilipino Star Ngayon

MARAMING nalimutan (o sadyang kinalimutan) si President Noynoy Aquino sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) noong Lunes. At isa na rito ang Freedom of Information (FOI) Bill. Nakalimutan na nga siguro niya ang panukalang batas na matagal nang nakabinbin sa Kongreso. May pondo na ang FOI Bill at pirma na lang ang kailangan pero nakapagtatakang hindi ito maipasa.

Noong 2009 na nangangampanya pa lamang si P-Noy, susuportahan daw niya ang FOI Bill. Prayoridad daw niya ito kapag nakaupo sa Malacañang. Pero nagka-amnesia na yata siya sapagkat wala nang maalala ukol dito.

Mahalaga ang FOI Bill. Ito ang makapipigil para mapigilan ang paglustay sa pondo ng taumbayan. Kung naisabatas noon pa ang FOI, hindi malulustay ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mambabatas. Dahil walang kapangyarihan ang mamamayan na mahalungkat ang mga transaksiyong ginagawa ng government official, nagpasasa ang mga kawatan sa pondo ng bayan. Nakinabang ang negos-yanteng si Janet Lim-Napoles na  nakapagbulsa ng P10 bilyon makaraang lumikha ng pekeng non-government organizations (NGOs). Patuloy na dinidinig ang kaso ni Napoles, ganundin ang kaso ng tatlong senador na lumustay umano ng kanilang PDAF. Nakadetine sila ngayon.

Lubhang mahalaga ang FOI Bill kaya hindi dapat isantabi. Ito ang pipigil sa paglustay ng pondo ng mamamayan. Nakasaad sa Sec. 28 Article II at Sec. 7 Article III ng 1987 Constitution na may karapatan ang mamamayan na malaman ang mga transaksiyong ginagawa ng pamahalaan. Karapatang mabatid ang lahat ng polisiya, proyekto at mga programa ng gobyerno kung saan sangkot ang pera ng taumbayan. Bilang taxpayers, dapat mabatid ang mamamayan kung saan napupunta ang kanilang ibinabayad.

Ipasa ang FOI Bill bago matapos ang termino ni P-Noy para sa “tuwid na daan”.

vuukle comment

ANG

ATILDE

BILANG

FOI

FREEDOM OF INFORMATION

ITO

JANET LIM-NAPOLES

P-NOY

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with