^

PSN Opinyon

Example ni Chiz, Mar dapat sundin

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NGAYONG opisyal nang inendorso ni P-Noy si DILG Secretary Mar Roxas bilang presidential bet ng Liberal party sa 2016 elections, magbibitiw na siya sa pagka kalihim ng DILG.

Si Sen. Chiz Escudero ay nauna nang nagresign sa da­lawang Senate Committees na kinabibilangan niya kahit wala pang pormal na pahayag kung ano talaga ang  pupuntiryahin niyang posisyon sa darating na eleksyon. Ani Escudero: “I believe that it behooves me to step down at this juncture to ensure that deliberations on the General Appropriations Bill (GAB) — considered the single most important piece of legislation passed by Congress each year — are untainted by suspicions or perceptions of partisan politics.”

Sabi nga ni House Speaker “Sonny” Belmonte, dapat sumunod ang mga politikong may hinahawakang posisyon sa pamahalaan sa halimbawa ni Escudero. Nagbitiw si Escudero sa kanyang posisyon bilang chairman ng Senate Finance Committee at co-chairman ng Joint Congressional finance committee.

Tama nga naman. Kasi ang ano mang desisyon o aksyon na gagawin niya sa mga naturang komite ay puwedeng bigyan ng kulay-pulitika. Sa kaso ni Mar Roxas, napaka-impluwensyal ng DILG na pinamumunuan niya. Maaari itong gamitin para tiyakin ang kanyang panalo kung sakali. Kaya right move din ang ginawa ni Roxas.

Pero isang suspense pa ngayon kung tuloy ang tambalang Grace Poe at Chiz Escudero sa presidential race.  Mukha kasing napapaisip pa si Sen. Grace kung papayag siyang tumakbong bise ni Roxas.

Kung ako ang tatanungin, palagay ko lang ay matutuloy ang tambalang ito. Malaki na kasi ang hirap at puhunan ng magkaibigang senador na sina Grace at Chiz.

Kung tutuusin, taglay din ni Escudero ang karanasan at puwedeng maging presidential material kung gugustuhin niya. Pero pinili niyang maging bise lang kay Grace dahil marahil nakikita niya ang charisma nito sa taumbayan at ang kanyang potensyal na maging isang magaling na Pangulo. Ahhh…suspense, suspense.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANI ESCUDERO

CHIZ ESCUDERO

GENERAL APPROPRIATIONS BILL

GRACE POE

HOUSE SPEAKER

JOINT CONGRESSIONAL

KUNG

MAR ROXAS

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with