^

PSN Opinyon

‘Pabebeng Pulis?’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

KADALASAN napupulaan ang mga pulis dahil huli silang duma­ting at tapos na ang krimen. Sa pitak naming ngayon nandun na ang pulis habang nagaganap ang krimen wala pa rin siyang aksiyong ginagawa.

“Pinatira namin siya sa garahe ng libre. Sa dulo pala nito kasuhan lang ang kababagsakan ng pagtulong namin,”  ayon kay Alma.

Isang liham ang aming natanggap mula kay Alma Lagman. May kaibigang pulis ang kanyang mister at nagmagandang loob sila rito na patirahin sa kanilang garahe.

Nung simula mag-isa lang ang pulis ngunit kalaunan doon na rin nanuluyan ang umano’y babae nito.

“Madalas silang mag-away. Kahit na malalim na ang gabi walang pinipili ang bangayan nila. Pati anak kong kinse anyos nari­rinig ang mga away nila at nabubulabog kami,” ayon kay Alma.

Ilang buwan ang nakalipas pinapalayas na ng pulis ang babae nito dahil nakikipagtalik daw sa ibang lalaki. Gumawa pa umano ng plano itong pulis para makaganti sa lalaki ng kanyang kinakasama.

“Katwiran po nung pulis may nakatatanda siyang kapatid na babae na pulis din at mataas ang posisyon sa Crame. Pati bayaw at pamangkin niya pulis din,” salaysay ni Alma.

Kaya baliktarin ng mga ito ang pangyayari. Hindi nila inaasahan na ang kinakasama ng pulis ang makulong dahil sinugod nito ang asawa ng lalaki at iniskandalo.

Sinabi umano nito na ni-rape siya at kasalukuyang buntis. Gumawa umano ng kwento ang pulis. Dahil sa kakilala nina Alma ang iniiskandalo ng kaibigan ng mister kinausap nila ito.

“Sinabi namin na hindi na mauulit kaya hindi siya sinampahan ng kaso,” ayon kay Alma.

Maayos daw ang pakikisama nila sa dalawa. Maging sa pagkain ay kasabay nila ang pulis at ang babae. Kapag may pagkakataon na wala doon ang pulis kasabay ni Alma ang kinakasama nito sa hapag kainan habang ang mister niya ay sa sala kumakain.

Pinagbawalan din nilang umuwi dun ang babae sakaling wala ang pulis at naroon ang kanyang mister upang makaiwas sila sa gulo.

“Isang araw bigla na lang umuwi ang babae sa bahay. Natutulog ang mister ko nun. Tinanong ko siya bakit siya umuwi wala naman dun ang pulis. Sagot niya tinext daw siya ng pulis. Inaaway at pinagdududahan,” kwento ni Alma.

Para hindi sila madamay sinabihan niya ang babae na huwag na ulit uuwi doon lalo na kung wala ang pulis sa bahay.

Kung hindi dahil sa mga ito, maayos naman sana ang buhay nila sa bahay nina Alma. Nagkayayaan pa sila minsan na makuhanan ng litrato kasama ang isang babaeng kaibigan sa loob mismo ng bahay.

Dalawang linggo ang nagdaan napagpasyahan naman nilang mag-swimming. Nakita nilang masaya ang kinakasama ng pulis.

Ilang araw lang ang nakalipas panay away na naman daw ang dalawa.

“Buntis ang babae at sabi niya sa ‘min gusto raw ipalaglag ng pulis kasi hindi niya raw anak yun. Isang buwan ang nagdaan dinugo ang babae at niraspa,” ayon kay Alma.

Wala pa rin raw patid ang pag-aaway ng dalawa. Sa sama ng loob ng babae nag-aya daw itong uminom. Tatlo silang babae.

Sa gitna ng tagay binabanggit na ng kinakasama ng pulis na masama umano ang tingin ng kaibigan nilang babae sa asawa ni Alma. Hindi niya ito pinansin dahil lasing sila at wala namang ginagawang hindi maganda ang kaibigan niya sa kanilang pamilya.

May pagkakataon pang sinasabi nito na nakita niya raw na matagal nag-usap ang kanyang kaibigan at asawa.

“Nagtataka ako bakit sinisiraan niya yung kaibigan namin. Isang gabi umalis ang asawa ko at sabi nung babae susundan niya daw. Sabi ko sige,” salaysay ni Alma.

Nakausap ng mister niya ang kaibigang pulis. Dun nalaman nina Alma na hinihintay na lamang ng pulis na kusang magpaalam ang babae. Di inaasahang narinig ito ng kinakasama ng pulis.

Kinabukasan lumayas na nga ang babae. Inakala nilang hindi na ito babalik pero pumupunta-punta pa run na parang nagpapapigil sa kinakasamang pulis.

“Nakiusap kami kay pulis na huwag nang pabalikin ang  babae niya,” salaysay ni Alma.

Inakala nilang tahimik na ang lahat dahil wala na rin yung babae ng pulis. Ilang araw ang nakalipas nag-eskandalo ang pulis sa garahe nila. Nagsumbong umano ang babae na hinihipuan umano siya, binobosohan at tinatakot ng mister ni Alma.

“Nagulat kaming mag-asawa. Sabi ng mister ko wala siyang ginagawang ganun at pag-usapan nila yun ng mabuti,” sabi ni Alma.

Ayon pa raw sa pulis nakita niya raw na hinipuan ng mister ko yung babae. Inisip ni Alma na kung nakita niya bakit hindi siya nagalit o nagwala. Libre rin naman silang umalis sa bahay kung tinatakot ito ng kanyang mister.

“Lumapit sila sa barangay pero hindi kami dumalo dahil baka perahan lang kami. Nabigyan sila ng certificate to file action. Sabi pa nung babae, boyfriend niya raw yung pulis. Hindi niya inamin na kabit siya,” salaysay ni Alma.

Natatakot sina Alma dahil kakasuhan daw ng mga ito ang kanyang mister.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, una pa lamang dapat dumalo na sina Alma sa pagdinig sa barangay. Baka sakaling madaan pa ito sa magandang usapan at magkasundo pa sila. Ngayong may hawak ng CFA ang kabilang kampo may opsiyon na silang iakyat ito sa Prosecutor’s Office.

Kapag dumating na ang patawag kina Alma dun na nila malalaman ang kasong isasampa laban sa kanyang mister. Kailangan lamang nilang dumalo sa lahat ng pagdinig at ihayag ang sagot sa lahat ng akusasyon sa kanya.

Tama ang tanong ni Alma, kung nakita nga ng pulis ang ginawang panghihipo sa kanyang kinakasama bakit hindi siya kaagad umalma? Binabastos na ang kinakasama mo magtitimpi ka lang? Bakit hindi mo kinompronta? Bakit hindi mo hinuli hindi ba’t pulis ka? Ano yun nagpabebe ka lang?

Hindi rin naman pwede naming palampasin ang katanungan na bakit ka irereklamo kung wala namang sapat na dahilan? Ano ang kanilang motibo?

Hanapin ninyo ang ugat at masusundan mo kung bakit nagkaroon ng bunga.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

 

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

 

vuukle comment

ACIRC

ALMA

ANG

BABAE

HINDI

ISANG

ITO

MISTER

NILA

NIYA

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with