^

PSN Opinyon

Totoong SONA: Hikahos dumami

SAPOL - Pilipino Star Ngayon

“KUNG walang korap, walang mahirap.” ‘Yan ang presidential campaign slogan ni Noynoy Aquino nu’ng 2010. At nang nanalo siya, dumami ang mahirap. E kasi naman, puro korapsiyon ang inatupag ng mga tauhan niya. Ang pinakaiba lang nito sa sinundang Arroyo admin ay walang palusot sa pagnanakaw ang nauna, samantala ang P-Noy admin ay hipokritong nagpapanggap na malinis.

Ang mga dating pinagnakawan ng Arroyo admin ay ni-ransack din ng P-Noy admin. Parehong kumumisyon sa pag-angkat ng bigas ng National Food Authority. Mas malaki ang rice imports nu’ng panahong Arroyo: Umabot sa 2.2 milyon tonelada para mas maraming kickback. Mas mababa ang imports sa panahong P-Noy, pero pati cargo handling in-overprice nang bilyong piso.

Ang bilyon-bilyon pisong maintenance ng commuter trains ay ibinalato ng P-Noy admin sa mga kapartido Liberal. Mahimala ang kontrata sa vehicle license plate making, at sa pagprankisa ng mga bus. Bilyon-bilyon ang nawaldas sa congressional at presidential pork barrels.

Lahat ‘yan napunta sa bulsa ng iilang maimpluwensiyang politiko. imbis na magugol sa mga proyektong pangkaunlaran. Ang resulta:

• Mas maraming walang trabaho, 4.3 milyon, at kulang sa trabaho, 6.9 milyon, nu’ng 2014. Ito’y bagamat umunlad umano ang ekonomiya nang mahigit 5%; ibig sabihin, mga kapitalista lang ang nakinabang.

• Nanatili ang karalitaan sa 27% mula 30 taong nakalipas. Ibig sabihi’y 27 milyon sa 100 milyong populasyon ang naghihirap.

• Tatlong milyon na lang ang gutom na pamilya nitong 1st-quarter 2014, pinaka-konti nitong dekada, pero 15 milyon katao pa rin sila.

• Umiwas ang foreign investors sa Pilipinas; sa Vietnam, Malaysia, Singapore, Thailand, at Indonesia sila nagpatayo ng mga pabrika.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ACIRC

ANG

BILYON

IBIG

ITO

LAHAT

MAHIMALA

MGA

NATIONAL FOOD AUTHORITY

NOYNOY AQUINO

P-NOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with