^

PSN Opinyon

AFP nagtira pa ng BIFF!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TAPOS na ang giyera patani sa pagitan ng AFP at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ng umatras ang una sa bakbakan nila dahil 50 porsiento nang mga miembro ng huli ang sinasabing na kamote na nila.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Tanong  - asan iyong naiwang 50%? Ano ang mangyayari rito?

“Iyan ang ipasagot ninyo sa AFP.” sabi ng kuwagong SAF commando.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana inubos na ang BIFF at hindi na nagtira ng tinga.

‘Iyang mga natira tiyak magpapalakas iyan at pagkatapos babanat ulit tulad ng ginawa nila sa may 44 police commandos.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gaano man kaliit ang natira pero mga armado pa rin ito ng malalakas na kalibre ng mga boga tiyak may masama pa rin silang magagawa.

Ano iyon?

Sagot - pumatay ng sundalo at pulis!

Abangan.

****************

NAIA T1, retokado na, makapal pa ang make-up

GANITO ngayon ang klase ng NAIA ‘worst airport’ Terminal 1 kung titignan sa loob ng paliparan.

Sabi nga, bagong gawa, retokado at may make-up pa. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, marami ang natuwa dahil nabago sa paningin ng madlang public ang NAIA ‘worst airport’ Terminal 1 porke inayos ito pero hindi pa naman tapos kaya may bahagi ng gusali todits na amoy alikabok pa rin.

“Malamig na ang airport, siempre bago ang mga chiller. Maaliwalas na ito, siempre bagong gawa, pinalitan lahat pati ilaw, tinodo ang make-up at ni-retoke ng husto!’ sabi ng kuwagong kumita.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa bago ang loob ng paliparan sana magbago na rin ng asal ang mga empleado ng bawat ahensiya ng gobierno na naririto sa loob ng ‘paliparan.

Ika nga, huwag ng bastos at magpaka-tao sa lahat ng pasahero!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil tinaguriang ‘worst airport’ ang NAIA 1 siguro mabubura na ito sa utak ng mga turistang dumarating sa paliparang ito.

“Kung wala ng bastos ng empleado raw ng airline, immigration at customs ?’ sabi ng kuwagong lasenggo.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang hindi pa rin nilang makita sa mga airline check-in counter sa apat na terminal ng NAIA ay ang ‘priority sign’ para sa mga Senior Citizen.

Bakit?

Sagot - wala ito at hinahayaan ang mga matatanda na tumayo ng matagal.

Abangan.

************

LTO inisnab ng MMDA sa -kanilang pakulo

INISNAB lamang ni MMDA chairman Francis ‘for Senator’ Tolentino ang niluto at pakulo ng LTO regarding sa “no registration, no plate, no travel” policy nang huli yesterday.

Sabi nga, niyugyog ng LTO sa kanilang praise release ang madlang owner ng mga sasakyan na huhulihin nila ang mga alaws plate numbers, no regis­tration kaya dapat no travel sila sa lansangan para hindi sila mayari.

‘Hindi maganda ang mga tirada ng LTO kung kailan pa naman Semana Santa at bakasyon saka magpapatupad ng ganitong sistema.’ sabi ng kuwagong alanganin.

Ika nga, kill joy ang LTO!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga bibili ng mga brandnew vehicle huwag ninyong tanggapin ang mga sasakyan ninyo kung wala pang OR/CR, bagong plaka, mga freebies na pangako sa inyo dahil ang mga ito ay binayaran ninyo.

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

ACIRC

ANG

ANO

ASSET

AYON

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

IKA

ITO

MGA

SABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with