^

PSN Opinyon

Paggalang sa Panginoon

Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

MASUWERTE pa rin tayong mga Pilipino dahil ang ating bansa lamang ang nag-iisang bansang Kristiyano sa buong Asia.

Ang majority sa mahigit 100 milyong Pilipino ay mga Katoliko nguni’t nakalulungkot ang ginagawa ng ibang mga kababayan kung sila ay nagsisimba.

Nakikita ko ang ibang kababaihan sa loob ng simbahan na nakasuot lamang ng mga backless na damit o kaya ay naka-shorts na halos kita ang hindi dapat makita. Ang kalalakihan naman ay nakaporontong at nakatsinelas. Maganda ba ang ginagawang ito?

Ang pagsisimba ay pagbibigay-galang sa Panginoon. Ang pagsisimba ay pasasalamat sa lahat ng mga biyayang pinagkaloob Niya sa atin. Ang pagsisimba ay maituturing na pagdalo sa isang handaang pang-espiritwal.

Kung nagpupunta ba tayo  sa party lalo na kung ito ay ginaganap sa isang mamahalin na lugar ay naka-shorts lamang tayo o kaya ay nakasuot ng damit na hindi naba­bagay sa okasyon?

Hindi ba’t kung tayo ay ikinakasal sa simbahan at humaharap sa Panginoon para basbasan Niya ang kabanalan ng ating matrimonyo ay mamahalin ang ating kasuotan?

Sana ay huwag balewalain ang ating pananam­palataya.

Kung papasok sa tahanan ng Diyos, magsuot naman ng desenteng damit bilang paggalang sa Panginoon.

Dapat ding maging disiplinado sa pagsisimba. Duma­ting sa simbahan bago magsimula ang misa at hindi yung darating sa kalagitnaan ng banal na misa. Nadi-distract ang ibang parishioners kung wala sa oras ang pagdating.

At dahil ngayon ay Semana Santa, gunitain natin ng buong kataimtiman ang mga paghihirap at pagpapakasakit ni Hesus para matubos ang ating kasalanan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAPAT

DIYOS

HESUS

KATOLIKO

KRISTIYANO

KUNG

NIYA

PANGINOON

SEMANA SANTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with