^

PSN Opinyon

Penitensya

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KARANIWAN nang tanawin sa ating bansa kapag Semana Santa ang mga panatikong nagpapasan ng krus o naghahampas sa sariling likuran hanggang sa magdugo, bilang panata.

’Yung iba’y nagpapapako pa sa krus upang tularan ang dakilang sakripisyo ng Panginoong Hesu-Kristo. Naniniwala sila na sa ganitong panata nila ay mapapatawad ang kanilang kasalanan.

Katunayan, ang ganitong tanawin ay naging tourist attraction na sa Pilipinas. Maraming dayuhan ang nagsasadya sa ating bansa para lamang makita ang mga namamanata na nagpapapako sa krus.

Hindi ito opisyal na sinasang-ayunan ng Simbahang Katoliko pero pinababayaan na lang dahil lubhang ma­tibay ang pananampalataya ng mga namamanata. Walang makakaawat sa kanila kahit pa ang dikreto ng Simbahang Katoliko.

Isa sa mga napabantog na lugar ay ang Bgy. Cutud sa San Fernando City sa Pampanga. Taon-taon ay mistulang “Golgotha” ang lugar na ito dahil may mga ipinapako sa Krus. Kaya ito’y naging paboritong tourist destination tuwing­ Semana Santa. Maging ang Department of Health ay nababahala dahil maaaring dapuan ng sakit ang mga panatiko tulad ng tetano. Kaya ang payo ng DOH, magpatusok muna ng anti-tetanus vaccine bago sugatan ang sarili o magpapako sa krus.

Ang kakatwa, may mga nagpepenitensya na matapos gawin ang panata ay nagbabalik sa dating nakagawian tulad ng paglalasing, pagsusugal at iba pang bisyo. Kung Bibliya ang tatanungin, iisa lang ang paraan para mapatawad ang kasalanan.

Ito ay ang pagsisisi at pagtanggap kay Hesu-Kristo bilang Panginoon at tagapagligtas.

Sinasabi ng Salita ng Diyos na wala nang ibang sakripisyong magagawa pa ang tao para sa ikapagpapatawad ng kasalanan matangi sa sakripisyong isinagawa ni Hesus sa krus ng kalbaryo.

Pero hindi natin puwedeng saklawan ang paniniwala ng iba na ang nakagawiang kultura ay mahirap nang burahin sa kanilang buhay, gaano man ito kamali.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BGY

DEPARTMENT OF HEALTH

KAYA

KUNG BIBLIYA

MGA

PANGINOONG HESU-KRISTO

SAN FERNANDO CITY

SEMANA SANTA

SIMBAHANG KATOLIKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with