^

PSN Opinyon

P-Noy, pusong bato sa pulubi

SABI NI BUBWIT… - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang may pagka-pusong bato si Pres. Noynoy Aquino sa mga pulubi?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Communications Sec. Sonny Coloma, Raymund Dadpaas ng DZRH,  Atty. Rolleto Arce, Gen. Ariel Barayuga ng BFP, Adm. Mat Mayuga at DPWH Usec. Romeo Momo.

Alam n’yo bang hindi nagbibigay ng limos sa mga pulubi  kahit isang kusing si President Aquino?

Ayon sa aking bubwit na dating nagmaneho nang matagal kay P-Noy, ayaw ng Presidente na nagbibigay ng limos sa mga pulubi. Pati ang kanyang mga driver at security ay pinagbabawalan niya ring mag-abot man lang barya sa mga pulubi.

Ang katwiran ni P-Noy, kapag nagbigay daw ng limos sa mga pulubi ay parang tinuturuan natin silang maging tamad. Bukod pa rito ang pagbabawal ng batas sa ilalim ng Anti-Mendicancy Law.

Ayon pa sa aking bubwit, kung pusong bato ang presidente sa mga pulubi, siya naman pala ay may pagka-pusong mamon sa kanyang mga driver at security­ personnel.

Si President Aquino ay hindi naman pala makatanggi kapag siya ay inuutangan ng kanyang mga tauhan lalo na kung ito ay pangmatrikula ng kanilang mga anak.

Ang tanong lamang ni P-Noy sa kanyang mga tauhan kung umuutang ay “Ano ba ito? Utang, hiram o hingi?”

Pero kahit sabihin nilang utang, sila naman ay hindi sinisingil ng Presidente pagdating ng kanilang suweldo. Lumalabas tuloy na ang mga anak ng kanyang malalapit na security at drivers ay mga scholars ni P-Noy.

vuukle comment

ANG

ANTI-MENDICANCY LAW

ARIEL BARAYUGA

AYON

COMMUNICATIONS SEC

MAT MAYUGA

MGA

NOYNOY AQUINO

P-NOY

PRESIDENT AQUINO

RAYMUND DADPAAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with