^

PSN Opinyon

P-Noy hindi na pinagtitiwalaan

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA HULING poll ratings, ikatlo lang si President Noynoy Aquino sa performance, bagsak sa dating una mula nang maluklok nu’ng 2010. Anang Pulse Asia, pinaka-mataas na tiwala ngayon ng madla kay Senate President Franklin Drilon, 44%; kasunod si Vice President Jejomar Binay, 42%. Si P-Noy ay bagsak sa 36%, mula 56% noon lang Disyembre, at mas mataas pa sa mga naunang quarters.

Lantad kung bakit biglang nawalan ng tiwala ang madla kay P-Noy. Nagbulaan siya tungkol sa Mamasapano debacle. Ibinintang niya ang pagkamatay ng 44 na police commandos kay Special Action Force Dir. Getulio Napeñas. Pero malinaw na mission-accomplished si Napeñas sa pagpatay sa teroristang si Marwan. Pinagtakpan pa ni P-Noy ang papel ni PNP chief Alan Purisima. ‘Yun pala, ipinagkatiwala niya ang maselang mis­yon sa suspendidong kaibigang ito. At naki-bulaan pa ang mga alipores na Interior Sec. Mar Roxas, na kesyo mali ang Board of Inquiry report na pinatid ni P-Noy ang chain of command, at Justice Sec. Leila de Lima, na kesyo walang command chain sa sibilyang PNP.

Kumbaga, tinimbang si P-Noy at nakitang kulang sa karakter.

Marami pang sumabay na isyu sa Mamasapano. Karamiha’y may kinalaman sa Dept. of Transportation and Communication ni Sec. Joseph Abaya, acting president ng Liberal Party nina P-Noy at Roxas. Mantakin mo, naniningil ang DOTC pero walang maibigay na driver’s license, at vehicle registration plate o sticker man lang. Nagtaas-pasahe, pero walang maintenance o dagdag-serbisyo sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3. Hindi pa masimulan ang bagong international airport terminal sa Cebu. Samantala nabubulok na ang di-pa-tapos na Manila International Airport Terminal-3. Palihim na ngang isinara ang aircraft loading-unloading Bay 114, dahil lumulubog sa tinambakang underground spring.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ALAN PURISIMA

ANANG PULSE ASIA

ANG

ATILDE

BOARD OF INQUIRY

GETULIO NAPE

INTERIOR SEC

JOSEPH ABAYA

JUSTICE SEC

LIBERAL PARTY

P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with