^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ang SK na walang ‘K’

Pilipino Star Ngayon

BAKIT ba pinag-aaksayahan pa ng panahon ang Sangguniang Kabataan (SK) gayung wala namang napapakinabang dito ang mga kabataan. Hindi na dapat pagkaabalahan o gastusan ang isang samahan na wala namang naidudulot sa bayan.

Pero gusto pa rin ni Pres. Noynoy Aquino na ituloy ang SK at magkaroon ng eleksiyon kahit ilang beses na itong na-postpone. Nilagdaan ng Presidente noong Miyerkules ang Republic Act 10656 na nagpo-postpone sa SK election at sa halip itatakda ito sa Oktubre 2016, kasabay ng barangay elections. Una nang itinakda ang SK elections noong Oktubre 28, 2014 pero sinuspinde ito at muling tinakda ng Peb. 21, 2015 para raw maisaayos ang sistema nito. Pero muli itong sinuspinde.

Hindi na dapat pag-aksayahan ng oras ang SK. Sa halip mag-election, buwagin na lamang ito. Bukod sa mahaharap ang iba pang mahahalagang bagay kaysa rito, makakatipid pa ang gobyerno.

Wala namang pakinabang sa SK kaya dapat lamang itong buwagin. Dapat tapusin na ang pamamayagpag ng mga nagiging SK chairman na anak din naman ng barangay chairman. Maraming barangay chairman na inihahalili sa puwesto ang kanilang anak na SK chairman kapag sila’y nagretiro na sa barangay. Maraming barangay sa buong bansa na ang namamayagpag ay ang ama at anak. Ang ama o ina ang barangay chairman at ang kan­yang anak ang SK chairman. Pinakyaw na nila.

Nawala na ang talagang layunin ng SK at hindi na nagagampanan ang tungkulin para sa mga kabataan. Masahol pa, maagang namumulat sa katiwalian ang mga lider ng SK.

May mga SK chairman na hindi alam ang kani­lang gawain. Ang nangyayari, nasasanay lang  sa katiwalian ang mga SK chairman sapagkat ito ang nakikita nila sa barangay chairman. Natuto na sila kung paano “paiikutin” ang barangay. Marunong na silang magpatong sa mga proyekto sa bara-ngay. Alam na nila kung paano kikita nang malaki at may maibubulsa sa mga ginagawang proyekto.

Sa halip mag-election, buwagin na lang ang SK dahil wala naman itong “K”.

vuukle comment

BARANGAY

CHAIRMAN

MARAMING

NOYNOY AQUINO

OKTUBRE

PERO

REPUBLIC ACT

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with