^

PSN Opinyon

Justice For Sale

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HETO ang mga karumaldumal na Justices na dapat puksain sa hudikatura: Justice Delayed; Justice Denied at ang pinaka-buktot sa kanila – si Justice For Sale. Iyan ang nagdudumilat na katotohanan at dahilan kung bakit marami pa rin ang mga napagkakaitan ng hustisya lalu pa’t ang mga nasasakdal ay impluwensyal at mayayaman. Pera-pera lang, wika nga.

Halimbawa, mayroon daw isang Hukom na umano’y milyones ang hinahakot na suhol kapalit ng writ of preliminary injunction (WPI). Hindi tayo tutukoy ng pa­­ngalan pero ang paksa natin ay pantawag pansin lang para matigil na (sana) ang mga kabulastugang ito sa ating hudikatura na malaon nang problema sa ating lipunan.

Matunog ang ngalan ng judge na ito dahil for-sale daw ang mga desisyon niya. Kaya lagi raw siyang usap-usapan ng mga kapwa hukom dahil sa talamak na katiwalian. Giving “bad name” to corruption. (pampatawa lang po.)

Ang Hukom ay dating public servant sa isang pro­binsiya sa South of Metro Manila. Kasama siyang in-audit ng COA mula 2007 to 2009 dahil sa pork barrel. Kaya ang tanong ng barbero kong si Mang Gustin, isa kaya siya sa mga alaga ni Napoles?

May girlfriend daw si Judge na isang starlet na nalaos agad dahil iginarahe ni Judge. Siyempre dahil bata at alam niyang mapera si Judge ay walang humpay ang pamemera nito bilang kapalit ng kanilang relasyon. Itinira siya sa isang posh condo ni Judge.

Regular daw na bumibisita tuwing weekend sa kanyang farm sa probinsya si Judge.

Aba, talagang usap-usapan sa hudikatura na bago niya ilabas ang WPI, hinintay niya muna ang isang miyembro ng hukom na mag-leave dahil alam niyang ang huli ay hindi nababayaran.

Nang nagkaroon ng pagkakataon, inisyu niya ang WPI maski na alam niya na ang kanyang ginawa ay isang illegal order.

Ang balita ay galit na galit ang kasamahan ni Judge dahil sa pinaggagagawang kalokohan. Hindi ito sumasali sa anumang gawain ng nasabing judge dahil ayaw niyang madamay sa mga iligal na gawain nito. Bahala na kayong humula kung sino siya. Ang punto ko, sino man siya, sana makonsensya naman siya.

vuukle comment

ANG HUKOM

DAHIL

JUDGE

JUSTICE DELAYED

JUSTICE DENIED

JUSTICE FOR SALE

KAYA

MANG GUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with