^

PSN Opinyon

Honda Rizal, ‘after sales’ palpak

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

KUNG gusto ninyong makaranas ng kunsumisyon, tumaas ang alta presyon, ma - stress o magka-sakit dahil sa buwisit subukan ng madlang people na bumili ng car unit sa Honda Rizal dahil ‘after sales’ malamang  makakakuha kayo nito.

Ayon sa mga kuwago ng ORA MISMO, nakabili sila ng Honda City unit sa Honda Rizal ng ‘installment’ pero bago sila mag-down o before sales katakot - takot na magagandang pangako ang inabot ng mga pobreng alindahaw na sabik magkaroon ng isang brandnew car galing sa nasabing dealer.

‘Lahat na ata ng mga magagandang pangako ay ibinigay ng dealer ng Honda Rizal pero pagkatapos magkapag-down sa kotseng inorder at idineliver sa kanila ay nag-umpisa na nang kalbaryo ang car owner.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ika nga, after sales!

Sinabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, August 12, 2014, ng ibigay ang sasakyan sa kanila at ang mga ipinangakong ‘freebies’ na sa totoo lang ay kasama naman talaga sa downpayment nila ay hindi agad ibinigay hanggang sa umabot ito ng halos apat na buwan.

Bakit?

“Wala raw stock ng mga feebies na pangako sa pobreng buyer kaya hindi maibibigay ang mga ito ng dalawang ahente.’

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bukod sa hindi agad ibinigay na freebies ang ‘OR at CR’ ng sasakyan Honda City ay limang buwan muna ang inabot bago naibigay sa kanila.

Bakit?

Sagot - palpak daw ang Land Transportation Office kaya hindi agad maibigay ang mga papeles sa buyer.

Ika nga, sinisi pa ang LTO. Kung inirehistro ito agad ang sasakyan matapos maaprubahan sa bangko at makapag-down sana hindi ito umabot ng napakatagal.

‘Kita ninyo ang kalokohan ng Honda Rizal.’

Sa tindi ng buwisit ng buyer ay sumulat ito sa sales manager ng Honda Rizal at inireklamo ang mga ginawa ng kanyang mga tauhan.

‘Alam ninyo ba sa tindi ng pagkakasulat ng bumili ng Honda City ay napilitang mag-resign ang ahente.’

Sabi nga, napahiya!

“Hindi pa rito natapos ang kalbaryo ng buyer dahil the other day lamang ibinigay ang brandnew plate number ng tsikot na nabili matapos ang 6 months and 15 days.’ sabi ng kuwagong reklamador.

Ipinaaalala ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga buyer ng brandnew car bago ninyo tanggapin ang kotse ninyong binili dapat kumpleto lahat ang mga bagay na kailangan sa brandnew car ninyo.

Ika nga, para  maiwasan ang problemang nangyari sa bumili ng Honda City sa Honda Rizal!

Sabi nga, after sales palpak na sila!

Sigaw ng mga teacher...taas sahod

PINAG-UUSAPAN pa raw ang isusunod na ‘sit-down’ strike ng mga guro oras na isnabin sila ng gobierno.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang susunod nilang sit-down strike dahil marami ang maapektuhan kapag nagkataon.

Bakit?

Sagot - plano ng mga guro na mag-mass leave sa National Capital Region at ang masama pa rito baka gayahin ito sa ibang rehiyon ng Philippines my Philippines.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi diumano mangingiming suportahan ito ng mga student at parents tulad ng ginawa nila last February pero nangako naman ang mga protester na hindi maapektuhan ang mga mag-aaral dito.

Naku ha!

“Paano kaya iyon?’

Ibinida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may P18,549 entry level salary ng mga titser gusto nilang itaas sa  P25,000.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noon pang panahon ni GMA naitaas ang sahod ng mga maestra.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gusto rin nilang itaas ang sahod ng mga empleado sa gobierno dahil ang entry level ay may sueldo na P9,000 at ibig nilang itaas sa P16,000 toits.

‘Ibigay kaya ang kanilang hinihingi?’ tanong ng kuwagong kulang sa pitsa.

Abangan.

vuukle comment

AYON

HONDA

HONDA CITY

HONDA RIZAL

KUWAGO

MISMO

ORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with