^

PSN Opinyon

Mga hindi naman responsable

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ISANG insidente na naman ng pamamaril dahil sa alitan sa kalsada ang naganap sa Quezon City. Patay ang nagmamaneho ng isang Toyota Corolla, na binaril umano ng drayber ng isang puting sasakyan. Ayon sa testigo, naggigitgitan ang dalawang sasakyan, pero humingi na ng patawad ang drayber ng puting sasakyan. Tuloy pa rin ang away hanggang sa binaril na ang biktima. Napag-alaman na empleyado ng munisipyo ng Quezon City ang biktima, at hindi pulis. Nagpakilala bang pulis? Hindi nakuha ang plaka, at nakatakas ang namaril. CCTV na lang ang pag-asa para malaman kung sino ang namaril, kung meron man. Kung wala, isa na namang walang karapatang magdala ng baril ang nakawala. Hindi armado ang kanyang binaril, kaya wala siyang dahilan para sabihing nalagay sa peligro ang kanyang buhay kaya niya binaril. At kung nasa tama naman siya, bakit tumakas?

Napakaraming insidente ng pamamaril sa kalsada ang hindi na nalutas. May mga insidente na bata pa ang natamaan. Kahit naghigpit na ang PNP hinggil sa pagdadala ng baril sa labas ng tahanan, ang mga nabibigyan pa rin ng lisensya ay ang mga hindi dapat binibigyan. Kaya tila bigo ang paghigpit ng PNP sa mga patakaran hinggil sa baril, dahil nagagawan pa rin ng paraan na makakuha ng lisensya ang mga hindi karapat-dapat. Mga hindi makalabas ng bahay nang hindi armado. Sigurado hindi ito ang huling insidente ng pamamaril sa kalsada dahil sa alitan. Kaya maghanda na lang ang PNP para sa mga karagdagang insidente. Kung pwedeng dagdagan ang mga CCTV sa kalsada, gawin na para makuhanan ang lahat ng insidente.

Hangga’t pinapayagan pa rin ang ilan na magdala ng baril sa labas ng kanilang tahanan, siguradong may magaganap na ganitong insidente. Malaking debate ang isyung ito. May karapatan daw ang mga responsableng may-ari ng baril na ipagtanggol ang kanilang sarili. Pero ang mga nasasangkot nga sa mga ganitong pamamaril dahil sa alitan sa kalsada ay ang mga tinatawag na res­ponsableng may-ari ng baril. Kung ganito ang mga res­ponsableng may-ari, paano pa ang hindi? Paano pa ang mga kriminal? Napakadehado naman ang karamihan ng mga mamamayan na sumusunod sa batas. Dapat na bang pag-aralan ang pagbigay ng mga permit-to-carry na lisensya?

vuukle comment

AYON

BARIL

DAPAT

INSIDENTE

KAYA

QUEZON CITY

TOYOTA COROLLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with