^

PSN Opinyon

Susi para sa kaayusan at kaunlaran sa Mindanao

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

PATULOY ang pagsusuri ng taumbayan hinggil sa na­ganap na trahedya sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 kung saan ay 44 na miyembro ng Special Action­ Force (SAF) ang namatay.

Matatandaang nagpatupad noon si dating President at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap”Estrada ng “all-out war” laban sa mga armadong rebelde sa Mindanao, partikular ang Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa pamamagitan ng naturang hakbangin ay nadurog ng pamahalaan ang puwersa ng mga rebelde, nakubkob ang mga kampo ng mga ito, at nasamsam ang kanilang mga armas. Dahil dito, agad naisulong ang development efforts sa Mindanao.

Ilan sa mga proyekto at programa na pinlanong ipa­tupad ni Erap doon ay ang pagpapasok ng mga investor na magtatayo ng mga pabrika at kompanya na magbibigay ng trabaho sa mga residente at magpapasigla ng lokal na ekonomiya; pagsasaayos ng mga pampublikong pasilidad, transportasyon at komunikasyon; at pagpapa­lakas ng serbisyo publiko.

Tuluy-tuloy na sanang maaabot ang matagal nang pa­ngarap na ganap na kaayusan at kaunlaran sa Min­danao. Pero sapilitang pinatalsik si Erap mula sa Mala­cañang, at pagkatapos noon ay napabayaan ang mga rebelde na muling makapagpalakas ng puwersa, at nagsulputan pa ang iba’t ibang armadong grupo roon.

Ayon kay Erap, “The only solution there is an all-out war. The MILF is already 40 years and it will never stop. The government has not been remiss in its duty to offer its hands for peace, but the peace offering of the government has not been reciprocated by the rebel group.”

Dagdag niya, “The all-out war that I launched has neutralized all the 46 camps of the MILF. Unfortunately, I was not able to finish my term… and that prompted the MILF to regain its power.”

Mula noon hanggang ngayon, at lalo na dahil sa nangyaring trahedya sa Mamasapano, ay patuloy na dumarami ang naniniwalang tumpak si Erap sa kanyang isinagawang hakbangin laban sa MILF.

vuukle comment

ERAP

MAMASAPANO

MANILA MAYOR JOSEPH

MINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SHY

SPECIAL ACTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with