^

PSN Opinyon

MRT-3 tren, riles: Konti lang matino

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAS mahaba ang pila ng pasahero sa istasyon. ‘Yan ang unang pahirap na dadanasin ng sasakay sa MRT-3 sa karaniwang araw. Dalawa ang dahilan. Una, mas konti ang tren. Pangalawa, mas mabagal ang takbo dahil sira-sira na ang riles.

Malamang pa ay magka-aberya sa biyahe, tulad nang biglang hinto; o kaya’y aksidente, tulad ng biglang bukas ng pinto habang bumibirit ang tren. Dalawa rin ang rason. Una, giba na ang signaling system na nag-uugnay ng bawat bagon ng tren, ng mga tren sa isa’t-isa, at lahat sila sa control center. Ikalawa, bulok na ang power supply, kaya nagti-trip-off, tinatablan ng kidlat, o nagliliyab ang catenaries — mga sungay na daluyan ng kuryente mula kable sa itaas patungo sa mga bagon.

Pahirap din sa istasyon. Sira ang elevators, escalators, at ticket vending at validating machines.

Mula Disyembre hanggang ngayon, ni minsan ay hindi nakapagpatakbo ang MRT-3 ng pangakong 20 tren na tig-tatlong bagon, sa peak hours na 6-9 a.m. at 5-8 p.m. Karaniwan ay 14 na tren lang, o 42 bagon. Madalas bumagsak hanggang 11 o 12 na tren, 33 o 36 na bagon. Masuwerte na kung umabot nang 16 na tren, o 48 na bagon.

Ayon sa papeles na nakuha ko sa loob, 16 sa 72 bagon ang wasak. Simula ito nu’ng Okt. 2012, nang alisin ng MRT-3 mula sa Sumitomo ang maintenance, at ilipat sa PH Trams-CB&T na pinamumunuan ng mga kamag-anak ng taga-MRT-3 at kapartido Liberal.

Siyempre dahil palaka­san ang nangyari, pinalpak ng bagong kontratista ang maintenance. Kumubra lang ng $1.15 milyon (P51.75 milyon) buwanang bayad, habang hinayaan ma­bulok ang limang ba­hagi ng railway system: tren, riles, signaling, power, at istasyon.

Hindi naman masibak ni P-Noy, kasi mapagbigay sa kaibigan.

* * *

Makinig sa Sapol, Sa­bado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

AYON

BAGON

DALAWA

IKALAWA

KARANIWAN

KUMUBRA

MADALAS

MULA DISYEMBRE

TREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with