^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Paigtingin pa, paglambat sa child traffickers

Pilipino Star Ngayon

GUSTUNG-GUSTO ng mga dayuhang pedophiles na magtungo sa bansa para may “malarong” mga bata. Alam kasi nilang madaling makakuha nang makakalarong mga bata dahil madaling tapalan ng pera ang mga magulang nito. Pakitaan lang ng P500 ang magulang ay kandarapa na sa pagbi­bigay ng kanilang mga anak para “ipalaro” sa hayok na pedophile. Karaniwang sa mga mahihirap na lugar sa Southern Mindanao nagtutungo ang mga pedophile sapagkat madaling “silawin” sa pera ang mga magulang. Wala nang tanung-tanong pa at agad ipinauubaya ang mga anak.

Ang masaklap, napakababata pa ng mga “nila­laro” ng mga hayok na pedophile at ganundin ng mga sindikatong sangkot sa child traffickers. Ayon sa report, isa hanggang 12 taong gulang ang nabibiktima ng pedophiles at child traffickers. Binabayaran lamang umano ng P500 hanggang P1,000 ang mga magulang ng bata para pumayag sa makamundong nasa ng mga hayok na pedophiles o traffickers. Pero ang matindi, may mga batang sinasaktan at pinapatay kapag hindi sumusunod ang mga ito sa utos na makipagtalik o anupamang kalaswaan.

Isang 12-anyos na dalagita ang pinatay ng Dutch national na si Peter Gerald Scully, katulong ang live-in partner nitong Pinay sa Surigao City. Pinatay umano ang dalagita nang tumanggi sa kagustuhan ni Scully na makipagtalik habang bini-videohan. Tinortyur muna ang dalagita bago pinatay. Ini­libing ito sa kusina ng inuupahang apartment sa Villa Corito, Surigao sa tulong ng ka-live-in na Pinay. Para hindi mahalata, nilagyan pa umano ni Scully ng tiles ang bahaging pinaglibingan para hindi mahalata. Nadiskubre ang krimen nang ituro si Scully nang ka-live-in. Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) si Scully at ka-live-in at kinasuhan. Walang piyansa ang child trafficking.

Paigtingin pa ang paglambat sa mga pedophile at international child traffickers. Walang kasing­sama ang kanilang ginagawa. Dapat ibalik ang pa­rusang kamatayan at unahing parusahan ang child traffickers­ at mga kasabwat na Pinay. Hindi sila nararapat mabuhay.

vuukle comment

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PETER GERALD SCULLY

PINAY

SCULLY

SOUTHERN MINDANAO

SURIGAO CITY

VILLA CORITO

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with