^

PSN Opinyon

Sablay sa Mamasapano kasalanan ni P-Noy

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ISA si President Noynoy Aquino sa maysala sa sablay sa Mamasapano. Ito’y dahil ipinagkatiwala niya kay noo’y suspendidong PNP chief Alan Purisima ang maselang ope­rasyon ng Special Action Force. Palibhasa’y suspendido, hindi nag-abala si Purisima na ipulido ang pagdakip kina international terrorists Marwan at Usman sa kuta ng mga separatistang Moro. Kaya hayun, napatay man si Marwan ay nakatakas naman si Usman. Mas masaklap, minasaker ng Moro Islamic Liberation Front ang 44 na SAF commandos at sinugatan ang 16 pa. Nasawi rin sa umano’y “mis-encounter” ang 18 MILF rebels, na ka-ceasefire ng gobyerno, at limang sibilyan, dalawa roon ay bata. Animnaraang pamilya ang napilitang lumikas ng kabahayan at taniman.

Usurpation of authority ang ginawa ni Purisima. Anang Ombudsman, inagawan niya ng poder si PNP officer-in-charge Leonardo Espina nang magpatuloy na PNP chief miski suspendido. Krimen ito, na maaring ikakulong nang anim na buwan hanggang dalawang taon.

At dahil pinayagan niya si Purisima mag-usurp ng awtoridad, naging kasapakat si P-Noy. Sa batas, ang sala ng isa ay sala ng lahat ng kasapakat. Kaya kung kakasuhan si P-Noy matapos ang termino at immunity from suit, maari rin siyang makulong. Ayon ‘yan sa law dean, huwes, at dalawang litigators sa kolumnistang ito.

Maysala rin sina SAF Dir. Getulio Napeñas at PNP intelligence Chief Supt. Fernando Mendez. Ito’y ani dating huwes, Sen. Miriam Defensor Santiago. Kasi sumunod sila sa ilegal na utos at kilos ni Purisima ng pag-usurp sa puwesto ni Espina.

Katibayan sa pagpayag ni P-Noy sa usurpation ni Purisima ang briefings nito sa Malacañang, pag-uutos kina Napeñas at Mendez, at pagrereport kay P-Noy -- maling info nga lang -- habang suspendido.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ALAN PURISIMA

ANANG OMBUDSMAN

CHIEF SUPT

FERNANDO MENDEZ

GETULIO NAPE

P-NOY

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with