^

PSN Opinyon

Opisyal na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

INIUTOS ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. ang “all-out-war” sa BIFF. Mula nang maganap ang madugong enkwentro sa Mamasapano, Maguindanao, naging aktibo at agresibo ang BIFF. Akala siguro dahil kabalikat nila ang MILF sa labanan sa Mamasapano, susuportahan na rin sila sa patuloy na pakikipaglaban sa gobyerno ng Pilipinas. Pero nagkakamali sila, at eto na nga, all-out-war na laban sa kanila.

Ang opensiba ng AFP laban sa BIFF ay para protektahan ang mga barangay sa Mindanao na karaniwang target ng mga rebelde. Kailan lang ay higit 20,000 tao ang lumikas mula sa kanilang mga lugar, dahil sa labanan ng MILF at BIFF. Sinalakay ng BIFF ang ilang barangay sa North Cotabato at Maguindanao. Pinagsamantalahan ang mainit na isyu ng Mamasapano para manggulo. Kaya kumilos na ang AFP para masugpo na ang mga kriminal na BIFF. Agad naman silang umatras nang gamitan ng mga artillery.

Kabalikat ang PNP sa operasyon, ayon sa mga nakasaad na patakaran sa tigil-putukan, para hindi na maulit ang nangyari sa Mamasapano. Koordinasyon sa lahat ng kinauukulan ang dapat ipatupad. Umaasa ang lahat na makikipag-ugnayan nang maayos ang MILF, at hindi magi-ging hadlang kundi kabalikat para masugpo ang BIFF. Hindi dapat tumigil ang AFP sa kahahabol sa mga rebelde, para hindi mabigyan ng pagkakataong makapag-ipon ng lakas st suporta. Alamin na rin ang kanilang pinagkukuhanan ng armas at bala, pati na rin mga malalakas na sandata. Kapansin-pansin na may mga malalakas na sniper rifle rin sila tulad ng MILF. Kung binili ito o binigay, alamin at pigilan na.

Pati ang Abu Sayyaf ay isama na rin sa ope­rasyon, para mawala na sa bansa ang mga terorista. Kung aktibo pa sa ilang mga lugar, bigyan na nang pansin at sugpuin at baka kung ano pang mga kriminal na aktibidad ang magawa. Hindi tatahimik ang Mindanao kung aktibo pa rin ang dalawang grupong ito.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES CHIEF OF STAFF GEN

BIFF

GREGORIO PIO CATAPANG JR.

MAGUINDANAO

MAMASAPANO

MINDANAO

NORTH COTABATO

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with