^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Parusahan ang may kasalanan

Pilipino Star Ngayon

TAPOS na ang inquiry sa Mamasapano incident at lumalabas na may pagkukulang ang Philippine National Police (PNP) na naging dahilan para ma­lagas ang 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) noong Enero 25. Si resigned PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima ang may kasalanan nang lahat kaya nagkaroon ng lapses sa operation. Luma­labas na si Purisima ang “overall commander” ng “Oplan Exodus” at nangyari ito habang siya ay suspendido. Inamin naman ito ni Purisima at inako na rin ang responsibilidad sa Oplan Exodus, subalit itinuro naman­ niya ang sinibak na hepe ng SAF na si Director Getulio Napeñas na may awtoridad sa operation at ganundin sa pakikipag-coordinate sa Armed Forces of the Philippines. Pero itinanggi naman ni Napeñas ang mga sinabi ni Purisima at pinanindigan na sumusunod lamang siya sa order nang suspendidong hepe ng PNP. Sinabi rin ni Napeñas na si Purisima ang nakikipag-ugnayan sa AFP at military habang isinasagawa ang operation sa Mamasapano.

Hanggang sa huling sandali ng inquiry ay con­sistent si Napeñas sa mga sinasabi at lumalabas na si Purisima nga ang may pagkukulang kaya sinapit ng 44 na SAF commandos ang malagim na kamatayan sa kamay ng MILF at BIFF.

Sabi ni Senate President Franklin Drilon, dapat sampahan ng kaso si Purisima dahil sa pagsasa­gawa ng mission sa Mamasapano sa kabila na siya ay suspendido. Hindi raw ito dapat ginawa ni Purisima. Ganito rin ang sinabi noon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago kay Purisima, kung hindi raw ito nakialam sa operasyon baka buhay pa ang 44 na SAF.

Mabigat ang hinaharap ni Purisima dahil sa nangyari. Kumilos siya nang hindi naaayos at ginawa iyon habang suspendido. Ang isa pang ikinabigat ay nang hindi nito ipaalam kay DILG Sec. Mar Roxas at Acting PNP chief Dir. Gen. Leonardo Espina ang operasyon. Kung bakit gusto niyang ilihim ang operasyon kina Roxas at Espina ay katanungang hindi nasagot. Malabo pa rin ang dahilan.

Ang tanong ngayon ay maparusahan kaya si Purisima dahil sa ginawa? O wala lang? Sabi ni PNP spokesperson Chief. Supt. Generoso Cerbo Jr., kapag napatunayan daw nagkasala si Purisima, mawawala lahat ang kanyang retirement benefits. Kung ito ang parusa sa nagkasala, dapat lamang ipatupad!

vuukle comment

ALAN PURISIMA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DIRECTOR GETULIO NAPE

GENEROSO CERBO JR.

LEONARDO ESPINA

MAMASAPANO

OPLAN EXODUS

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with