^

PSN Opinyon

Ano ba ang ibig sabihin ng suspendido?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA totoo lang, hindi na siguro dapat iniimbita-hang magsalita si dating PNP Chief Gen. Alan Purisima, dahil praktisadong-praktisado na ang kanyang mga sagot. Mapunta man sa Senado o sa Kongreso, iisa ang kanyang pahayag. Payo lang ang kanyang sinabi, at hindi utos. Wala raw siyang kinalaman sa naganap na madugong bakbakan sa Mamasapano, pero siya ang laging kausap ni President Aquino.

Hindi nga natuwa si Sen. Miriam Santiago sa paulit-ulit na pangangatwiran, o pamimilosopo, ni Purisima. Iginiit na dahil suspendido siya, wala na siya dapat pakialam sa anumang operasyong may kinalaman ang PNP. Ano ba ang ibig sabihin ng suspindido? Sabi nga ni Santiago, hindi nga siya dapat tumitira sa “white house” dahil suspindido. Habang suspendido, wala siyang anumang benepisyo, o pamumuno kahit saan. Pero malinaw na kabilang siya sa lahat, at pati si Aquino, ang pinaka mataas na opisyal ng bansa, ang Commander-in-Chief ng lahat armadong puwersa ng Pilipinas, ay kausap niya, ka-miting niya, ka-update niya.

Iginiit rin ni Santiago na kung suspendido siya, sino pala ang mas mataas na opisyal kay Gen. Napeñas, ang hepe ng SAF? Suspindido siya, kaya dapat ang kanyang kapalit na si Gen. Leonardo Espina ang dapat niyang kinakausap. Pero alam na nga natin na hindi sinabihan “yung dalawa”, anya ni Purisima. Kung wala nga namang respeto si Purisima kina Espina at DILG Sec. Mar Roxas, bakit pa niya sasabihan “yung dalawa”? Minaliit pa nga ni Purisima ang tungkulin o papel ng DILG sa PNP. Wala raw kontrol ang DILG sa PNP.

Ang ganitong pagmamataas ni Purisima ay dala ng pagkakaroon ng mga kaibigan sa matataas na posisyon sa gobyerno. Na tila wala siyang takot kahit ano pa ang sabihin, o hindi sabihin hinggil sa Mamasapano dahil may magtatanggol sa kanya. Katulad ni Romulo Neri, “executive privilege” na ang bukambibig. Ang mahalaga lamang sa kanya ay wala siyang kasalanan, wala siyang pananagutan. Napakaiba nga ng reaksyon nina Purisima at Espina. Ang isa ipinagtatanggol ang sarili sa kapalpakan na naganap, ang isa iniiyakan ang pagkamatay ng 44 na kapatid niya. Ang isa alam lahat, ang isa hindi binigyan ng respeto na sabihan.

Ngayong patay na ang 44 na bayani, nag­huhugas na ng mga kamay. At kay Napeñas babagsak ang lahat. Ano kaya ang nararamda­man ng mga pamilya ng mga napatay sa Mamasapano? Nakakamit ba nila ang hustisya? Nalalaman na ba nila ang katotohanan? Natatahimik na ba sila? O mas dumadagdag lang ang kanilang hinagpis?

vuukle comment

ALAN PURISIMA

ANO

CHIEF GEN

ESPINA

IGINIIT

MAMASAPANO

PURISIMA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with