^

PSN Opinyon

‘Nangangagat na alaga!’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

ISA SA PINAKA importanteng kautusan ng Panginoon ay ang ‘respetuhin ang ating mga magulang’.

Sa panimula ng buwan ng Pebrero na tinaguriang ‘Love Month’, minarapat naming simulan ito ng ibang klaseng kwento ng pagmamahal.

Bigyan mo siya ng isang bulto ng kahoy, armado ng sinsel, martilyo at katam, maiuukit niya kahit kaninong pigura makalipas lang ang maghapon.

Isang talinong na nagpapabalik-pabalik sa alaala ng 78 anyos na si Publico.

“Abutan mo siya ng kahoy at kutsilyo, humarap ka sa kanya maya-maya iaabot na sa’yo ang mukha mong inukit sa kahoy,” ani Publico.

Magaling na kamay sa pag-ukit at pagguhit nakitang potensyal ni Ludivico Publico, mas kilala sa tawag na Publico sa itinuturing niyang panganay na anak na si David, 58 anyos na ngayon.

“Hindi ko na kaya. Matanda na ko. Gusto ko siyang palayasin ng bahay dahil sobra na siya. Hindi ko kaya dahil malakas diya. Mapapatay niya ako,’ sabi ni Publico.

Balo na si Publico sa asawang si Solidad---dating guro sa Iloilo. Boksingero naman si Publico, kung bansagan ay ‘Little Dimsy’.

Taong 1954 lumuwas siya ng Maynila para magsanay sa pagboboksing subalit nauwi siya sa pamamahala sa binibentang pagkain sa Araneta Coliseum.

Limang taong ganito ang trabaho ni Publico hangang maging bus drayber siya biyaheng Edsa-Monumento. Ang ipon niya rito ang pinambayad niya sa kanilang bahay sa Pasig

Kwento niya taong 1958 ng dalhin sa kanya ng kaibigan ng pamilya ni Solidad si David.

“Matagal na kaming nagsasama ni Solidad pero ‘di kami magkaanak hanggang ikasal kami. Kaya sa akin pina-alaga ang bata,” ayon ni Publico.

Sumunod sa Maynila si Soledad at sa Pasig na sila nanirahan.

Nung una nagpapadala ng gatas at pang-diaper ang ina ni David sa kanila subalit isang buwan lang lumipas hindi na raw ito nagparamdam. Wala na silang magawa at sila na nagpalaki kay David at tinuring na tunay na anak.

Ilang buwan pa lang nakakaraan nabuntis si Soledad, isang anak na babae. Nasundan agad ang kanilang anak hanggang sa umabot ng lima, kambal ang kanilang bunso.

Naging masaya ang pamilya ni Publico. Naging trak drayber naman siya sa isang kumpanya sa loob ng 30 taon. Nadestino sa Bicol at minsan lang umuwi.

Pinag-aral ni Publico ang mga anak pati si David. Ayon kay Publico, mabait at matalinong bata si David. Magaling din siya pagdating sa Sining.

Nakapag-aral daw ito ng kursong Architecture sa University of Santo Tomas (UST). Anim na buwan na lang daw ay graduate na subalit nalaman na lang niyang huminto si David.

Naging dahilan nito ay ang pagbabarkada umano ng anak. Hindi na naman daw bago ito dahil noon pa lang daw marami ng barkada si David sa kanilang lugar.

“Hindi na yan nakapag-asawa at nagkaroon ng anak. Lagi lang siyang nasa bahay o kasama ang mga kaibigan niya,” sabi ni Publico.

Nagkaroon ng ilang trabaho si David subalit hindi raw niya ito siniseryoso. Naging time keeper siya at sumasama-sama sa catering minsan.

Inintindi raw ni Publico ang sitwasyon subalit aminado siyang malaki ang panghihinayang niya kay David lalo na ng tumigil ito sa pag-aaral.

Sa ngayon nasa ikalawang palapag ng bahay nakatira si Publico, mag-isa siya dun. Habang nasa ibaba naman ang kanyang bunsong kambal at si David.

Nakikita niya raw paano makipagbarkada itong si David at ang masamang impluwensya umanong naidudulot nito sa anak kaya’t ilang beses niya itong pinagsasabihan subalit hindi na raw ito nakikinig sa kanya.

Nagiging sanhi rin ng kanilang pag-aaway ang malakas na pagpapatugtog ni David na dumadagundong sa buo nilang bahay.

Ilang beses na niya itong sinisita subalit binabale wala raw siya nito.

Nung nakaraang taon, nagpang-abot na raw sila ni David at nagka-baranggayan.”Dinuro-duro niya ako, hinataw ko siya ng table sa katawan... pagbalik niya binato naman niya ko ng bato,” ayon kay Publico.

Hindi na naging maganda ang relasyon nila Publico at David. Pinapalayas na daw niya si David subalit sinabi ng kanyang kambal na magkasundo na lang sila.

Nitong huli, ika-21 ng 2015, alas otso pa lang ng umaga nagpatugtog ng malakas si David sa loob ng kanyang kwarto. Muli siyang sinabihan ni Publico.

Sumilip ito sa baba mula sa bintana at pinahinaan ang radyo. Hindi naman daw natinag si David at sa halip pinagmumura umano siya.P*7@#n6 i#@ mong matanda ka! Bumaba ka rito papatayin kita,” sabi umano ng anal.

Nagmatigas din si Publico at sinabing, “Gawin mo!”

Gustong malaman ni Publico ang ligal na hakbang maaaring gawin kay David. Ayon sa kanya, ilang beses na umano niya nahuling gumagamit ng pinagbabawal na gamot ang anak at mga kaibigan nito sa kanilang hagdanan.

“Gusto ko na lang siyang paalisin sa bahay… kesa nag-aaway lang kami! Ang dami na niyang problemang ibinigay sa’kin” ani Publico.

Ito ang dahilan ng pagpunta ni Publico sa aming tanggapan nung ika-22 ng Enero 2015. Itinampok namin siya sa ‘CALVENTO FILES’ sa radyo. “HUSTISYA PARA SA LAHAT” ng DWIZ882KHZ. (Lunes-Biyernes 2:30-4:00PM at Sabado 11:00-12NN). Para matulungan si Ginoong Publico kinapayam namin sa radyo si Atty. Rey Casenas ng Mayor’s Action Team ng Pasig City para sa problema ni Publico. Sinabi ni Atty. Casenas, kung totoong gumagamit ng pinagbabawal na gamot si David tutulungan nila si Publico na maipasok ito sa Rehabilitation Center para maipagamot.

Hiniling ni Atty. Casenas na papuntahahin si Publico sa kanilang opisina.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, parang aso’t pusa man ang kinauwian ng relasyon nila, sa pakikipag-usap namin kay Publico ramdam naming napamahal na sa kanya si David. Hindi man galing sa kanilang mag-asawa si David tinuring niya itong tunay na anak, pinatuloy sa kanilang bahay, pinakain, binihisan at pinag-aral kaya’t ganun na lang kung nasaktan si Publico na makitang napapariwara itong higit pa sa anak na inaruga.

Ngayong matanda na siya at nasa edad ng dapithapon, masakit sa kanyang tanggapin na ang anak na inaasahan niyang mag-aalaga sa kanyang pagtanda ang kanya pang nagiging kaaway.

Kung totoo nga lahat ng kwento ni Publico sa amin, dapat lang na ma-rehab na itong si David ng umayos ang kanyang kundisyon at baka maging maayos pa sila ni Publico at bumalik sa dati ang lahat ng kanilang magandang relasyon.

Ang anak na nagpapaluha sa kanyang magulang, kahit kelan hindi mabibiyaan ng ating Panginoon. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. O magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854. Landline 6387285 / 7104038. Hotlines: 09213263166, 09198972854, Tel. Nos.: 6387285, 7104038

vuukle comment

DAVID

LEFT

NIYA

PASIG

PUBLICO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with