^

PSN Opinyon

National Day of Mourning

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAPAKALUNGKOT na araw. Tunay na “National Day of Mourning”. Nakaburol ang 42 PNP-SAF na pinatay sa Mamasapano, Maguindanao sa Camp Bagong Diwa sa Taguig. Ang isa kasi ay inilibing na ayon sa tradisyon ng Islam, at ang isa ay inuwi na lang kaagad sa Bicol. Pinangunahan ni President Aquino ang necrological services para sa kanila. Inalay ng Presidente ang Medal of Valor sa mga namatay sa labanan. Mga tunay na bayani sila. Isinakripisyo nila ang buhay para sa bayan.

Mabigat ang damdamin ng lahat. Marami ang hindi mapigilan ang mga luha habang nag-aalay ng kani-kanilang parangal at papuri sa mga napaslang. Sulit ba ang buhay ng 44 na SAF para sa isang terorista? Kung ang mga namatay ang tatanungin, lahat siguradong sasagot ng oo. Maraming buhay ang naligtas dahil wala na si Marwan. Pero sa kabila ng parangal at papuri sa mga namatay na SAF, hustisya ang hiling ng kanilang kapamilya.

Ito naman ang pinangako ni President Aquino sa kanyang talumpati. Na hindi masasayang ang sakripisyo ng “Fallen 44”. Nangakong hahabulin ang nakatakas na si Basit Usman. Pero bukod sa paghabol kay Usman, marami sa kapamilya ng mga namatay ay sumisigaw ng hustisya. Sa madaling salita, kailangan mahuli ang mga nanambang sa 44 na SAF. Dahil sa kasalukuyang usapang pangkapayapaan, hindi sila dapat pinaputukan ng mga MILF. Ito ang paniniwala at katayuan ng marami. Paano mapagkakatiwalaan ang MILF, kung ngayon pa lang ay tila lumalabag na sa kasunduan? Ngayon pa lang ay gutom pa rin para sa dugo ng mga pulis at sundalo? Hindi kuntento na patayin, kailangang bastusin pa ang mga bangkay?

Pero paano nga makakamit ang hustisya? Isusuko ba ng MILF ang mga nakibahagi sa masaker? Napakarami nang mga kalupitan at kasamaang ginawa ng MILF sa mga pulis at sundalo sa mga nakaraang taon, kailan sila nagsuko ng mga kabaro nila? Ito ang dahilan ng hinagpis ng mga namatayan. Na hindi rin makakamit ang hustisya, dahil mga MILF ang mga sangkot na “kabalikat” na raw sa kapayapaan. Na makakalimutan din sila pagdating ng panahon. Napakahirap tanggapin, napakahirap intindihin. Pero maaasahan nila, kung ang mamamayang Pilipino lang ang tatanungin, hindi sila makakalimutan sa ginawang sakripisyo sa bayan.

vuukle comment

BASIT USMAN

BICOL

CAMP BAGONG DIWA

MEDAL OF VALOR

NATIONAL DAY OF MOURNING

PERO

PRESIDENT AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with