^

PSN Opinyon

Marwan patay na nga ba?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SABI ng Malacañang, handa raw ang militar at pulisya sakaling rumesbak ang mga terorista, particular ang Bangsa-moro Islamic Freedom Fighter (BIFF) dahil sa sinasabing pagkakapatay sa international terrorist na si Zulfiki Bin Hir, alyas Marwan.

Sa ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung si Mar­wan nga ang napatay sa madugong pagsalakay ng PNP-SAF sa Maguindanao na ikinasawi  ng  may 44 na operatiba, na ang layon ay dakpin ang teroristang ito na may patong sa ulo na $5-milyon.

Mga BIFF pa ba ang may ganang magalit at  gumanti eh, kay daming tagapagpatupad ng batas ng pamahalaan ang nalagas? Ang buhay ba ni Marwan, kung totoong napatay pa ay higit na matimbang sa mga napaslang na SAF operatives?

Hangga’t maiiwasan, ayaw ko ng digmaan. Hindi ako naniniwala na solusyon sa paghahanap ng kapayapaan ang digmaan. Pero kung ang buhay ng inosenteng mamamayan ang nakataya dahil sa panliligalig ng mga terorista, dapat naman ay  dumepensa ang mga operatiba ng pamahalaan. Kung hindi, bakit pa tayo gumagastos para sa pulisya at militar?

Ayon Kay Press Sec. Coloma sa isang panayam sa radyo, nakahanda ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sakali mang gumawa ng pandarahas ang BIFF. Dapat lang. Mahirap naman yung nakikipag-negosasyon ang pamahalaan para sa kapayaan pero sa likuran ay umaatake ang mga terorista.

May banta umano ang BIFF na aatake muli matapos ang madugong sagupaan noong nakaraang Linggo na ikinasawi ng may 44 na Special Action Force operatives na magsisilbi sana ng arrest warrant kina Malaysian bomber Marwan at Basit Usman sa Mamasapano, Maguindanao.

May mga nagsasabing ayaw sa all-out war. Pero papaano kung ang kalaban ang nangunguna sa paglulunsad ng madugong pag-atake? Ang mga operatiba ng pamahalaan ba ay tutunganga na lang at hindi lalaban habang sila’y binibistay ng bala?

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON KAY PRESS SEC

BASIT USMAN

ISLAMIC FREEDOM FIGHTER

MAGUINDANAO

MARWAN

PERO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with