^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Dapat makita ang sinseridad

Pilipino Star Ngayon

SINSERIDAD sa pakikipag-usap sa kapayapaan ang hinahanap ngayon sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) makaraan ang madugong pagpatay sa 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao. Dalawang team ng SAF ang nagtungo sa lugar para hulihin ang dalawang terorista na kinakalong ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang breakaway group ng MILF. Napatay ng unang team ang isa sa mga terorista pero nakatakas ang isa. Ang putukan ang naging hudyat para tambangan ng BIFF sa tulong ng MILF ang ikalawang team ng SAF. Lumaban ang 45 miyembro ng SAF pero dahil sa kakulangan ng armas at tulong, napatay ang 44 at isa lamang ang nakaligtas. Ang masakit, kahit nakabulagta at naghihingalo na ang 44, binabaril pa ang mga ito. Pawang sa mukha ang tama. Ang iba ay pinagtataga pa. Hindi pa nasiyahan, ninakaw pa ang mga personal na gamit ng mga pulis --- cell phone, relo, at pati uniporme at combat boots. Ayon sa misis ng isang napatay na SAF, nang tawagan niya ang cell phone number ng asawa, may sumagot dito at sinabing patay na ang may-ari ng cell phone. Pinatay na raw nila. Halos madurog ang puso ng maybahay. Sumisigaw siya ng hustisya.

Sabi ni President Aquino nang unang magsalita sa TV kaugnay sa brutal na pagpatay, nalulungkot daw siya sa pagkamatay ng 44 na SAF members, pero naniniwala rin daw siya na hindi mahahadlangan nang nangyari ang pagpapatuloy para sa usapang pangkapayapaan. Huwag daw hayaang maibasura ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Malayo na raw ang narating nito kaya walang dahilan para hindi matuloy ang inaasam na pag-uusap sa kapayapaan. Huwag daw makinig sa mga udyok para hindi masira ang nasimulan ukol sa pag-uusap.

Pero naalarma kaya si P-Noy nang nang magbanta ang liderato ng MILF na magkakaroon ng complications kapag hindi itinuloy ang pagpapasa ng BBL dahil sa nangyaring masaker. Ano ang ibig iparating ng MILF sa pananalitang ito? Nagbabanta at nananakot? Sabi pa nila, nalagasan din naman ang MILF sa nangyaring labanan.

Dapat mag-isip ang pamahalaan sa pakikipag-usap sa MILF. Dapat makita ang sinseridad sa grupong ito. Tunay ba ang pagnanais nila na makamit ang kapayapaan?

vuukle comment

ANO

BANGSAMORO BASIC LAW

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

DAPAT

HUWAG

MILF

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-SPECIAL ACTION FORCE

PRESIDENT AQUINO

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with