^

PSN Opinyon

DNA ni Marwan nasa US of A na

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

INVOLVED ang national security ng Philippines my Philippines sa ‘confidential operations’ na ginawa nang mahigit sa 300 elite PNP Special Action Forces sa Maguindanao, kaya naman ang ilan sa tinaguriang ‘striking force commandos’ na pumasok sa lungga ni Zulkifli Bin Hir, alyas Marwan, isang Malaysian bomber ay nasungkit ang nagtatagong parang daga na terorista ang naging problema lamang ay napatay ang demonyo ng magkaroon ng bakbakan samantala ang kasama nitong pinoy bomb terrorist pupil niya na si Basit Usman, ay nakapuga.

Sabi nga, tumatakbong bahag ang buntot. Hehehe!

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, ang operasyon ng striking commandos ay para nangyari sa ‘very secret US of A mission’ na ibinulong lamang ni US President Barack Obama sa mga tumira ditong ‘trusted and well trained US commandos.’ Kaya naman ng mag-operate sila tigok si Osama bin Laden, bossing ng Al-Qaeda group sa buong daidig at parang masiguro ito nga ang terorista ay pina-DNA testing ang parte ng wangkata ni Osama.

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, sa kuento ni P. Noy the other day hindi niya ipinagdakdakan na alam niya ang operasyon pero sa mga bright people na nakikinig sa sinasabi nito alam nilang pili lamang sa kanyang ‘very trusted’ men ang nakakaalam ng ‘confidential operations.’

Ika nga, kahit sina SILG Mar Roxas, acting CPNP Dindo Espina at iba pang bright people na nakapaligid kay P. Noy ay walang alam sa ‘silent operation.’

‘Kung iisipin hindi sila ang real ‘trusted men?’ Hehehe!

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, ang nadale ng MILF ay iyong ‘back-up’ forces na mga SAF na nakaabang para alalayan ang ‘elite commando striking forces’ na kumuha kay Arwan. Mabilis ang pangyayari at tiwala ang mga SAF na hindi sila babakbakan ng MILF pero ang panaginip nila ay maling - mali dahil ang back-up forces nila na nag-aabang sa isang lugar ang niratrat ng mga ito.

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, hindi kamote ang US of A na mag-alok ng US$5 million reward kay Marwan at US$1 million kay Basit kung hindi notorious terrorist around the world ang mga ito.

Sabi nga, ano sila bale!

‘Nagsasagawa ang US of A ng DNA testing sa isa sa wangkata ni Marwan kung positibo at kung siya nga ang nadale?’ ayon sa kuwagong segurista

‘Three weeks may DNA result from US of A.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Abangan.

IACT dibdiban sa laban

DAPAT bigyan pagkilala ang mga trabahong naging positibo ng Inter-Agency Council against Trafficking dahil hindi biro ang mga napaghuhuli nila mga miembro ng sindikato dehins lamang sa mga paliparan kundi sa iba’t-ibang lupalop ng Philippines my Philippines.

Buti nga!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matindihan ang kampanya ng IACT laban sa human trafficking kaya naman maraming kabilang sa mga bigtime syndicate ang nagsasakitan ang mga yagba este mali ulo pala dahil supalpal ang kanilang operasyon sa pagpupuslit ng mga illegal drugs, boga ehcetera.

‘Buti naisip ng gobierno na magtatag ng IACT, isang grupong lilipol sa mga gago na pinamumunuan nila DOJ Secretary Leila de Lima at DOJ Undersecretary Jose Vicente Salazar.’ sabi ng kuwagong nakakahinga ng maluwag.

Tanong - ano ba ang IACT?

Sagot - ito ay isang sanglaan este mali ahensiya pala na itinatag para tumutok sa  matagumpay na kampanya at tagapangasiwa sa kinakailangang mga resources para sa mga ikakasang operasyon laban sa human trafficking activities.

‘Matindi ba ang operasyon ng mga sindikato kaya nagtatag ng IACAT?’ tanong ng kuwagong kinakabahan.

Sagot - international in nature ito para labanan ang mga kamoteng bumibiktima sa madlang people.

‘Ilan lamang sa maituturing na tagumpay na inani ng kampanya kontra human trafficking ay ang pangunguna ng Pilipinas sa mga bansa sa Asya sa second edition ng Global Slavery Index bukod pa sa record na pang-29 tayo sa may 167 bansa sa buong mundo na matagumpay sa paglusaw sa human trafficking.’

Ika nga, above average ang IACT na kinikilala nang buong mundo ngayon.

‘Kaya kailangan batiin natin sa kanilang magandang asal este mali trabaho pala sina de Lima at Salazar.’

Abangan.

Pinalagan si Gov. Mangudadatu

NAGPAPALAGAN ang ilang angkan ng mga pupol este mali politiko pala kasama ang mga supporters sa Maguindanao dahil sa ginawang political harassment diumano ni Maguindanao Gov. Esmael ‘Toto’ Mangundadatu?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, pinalagan ni Cotabato City Administrator Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi na isinama sa 50 bagong personalidad sa Maguindanao massacre.

Bintang ni Sayadi masyado nang nagagamit sa pamumulitika ang Maguindanao massacre, lalo na ng gobernador, kaya nanawagan ito kasama ang ilang isinasangkot sa ‘slauther’ kay Justice Sec. Leila de Lima  na huwag nang payagan pang madagdagan ang listahan ng mga akusado dahil lalong tumatagal na proseso at naiinip na ang pamilya ng mga napatay na makamit ang hustisya.

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, itinatanggi ni Sayadi na kailanman ay dehinsi siya naging abogado ng mga Ampatuan kundi naglingkod lamang siyang  solicitor general ng Autonomous Region of Muslim Mindanao sa panahon ng pamumuno ni Zaldy Ampatuan.

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, inakusahan nila si Mangundadatu na paggamit diumano sa kanyang impluwensiya sa kasalukuyang gobyerno para diumano’y gipitin at basta na lamang kasuhan at diumano’y idawit ang mga kalaban sa pulitika sa Manguindanao massacre na may 5 years na ngayon?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

ASSET

AYON

KAYA

MAGUINDANAO

NANG

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with