^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga tanong na hindi masagot

Pilipino Star Ngayon

NAKITA na ng mga kaanak ang 42 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) pero nakasilid na ang mga ito sa ka­baong. Dalawa sa mga SAF members ay dinala na sa Zamboanga at inilibing ayon sa Muslim tra­ditions. Malungkot ang kanilang pagkikita. Naging malagim ang kamatayan ng 44 na pinagtulungan ng mga miyembro ng BIFF na inayudahan ng MILF. Dumating ang mga bangkay (nasa kabaong at balot ng watawat ng Pilipinas) noong Huwebes ng gabi sa Villamor Airbase. Hindi naman sumalubong si President Aquino sapagkat nasa inagurasyon ng isang malaking Japanese car company sa Laguna. Mas naging prayoridad sa kanya ang pagdalo sa inagurasyon kaysa dumamay at magbigay ng inspiras­yon sa mga kaanak ng biktima.

Kahapon, ginawa ang necrological services sa mga bayaning nalugmok sa pakikipaglaban sa Maguindanao. Pinagkalooban ng medalya ng kata­pa­ngan ang mga bayani na tinanggap ng asawa at anak ng mga ito. Pero halata ang lamig sa mga naulila sapagkat hindi halos sila tumingin sa mukha ni P-Noy.­ Umano’y mayroong ginang na tinanggihan ang medalyang pinagkaloob ni P-Noy. Nang magsalita ang isang ginang na kumakatawan sa mga naulila, mariin niyang sinabi na kailangan ng kani-kanilang asawa ang hustisya. Nanawagan ang ginang nang agarang imbestigasyon sa nangyaring brutal na pagpatay. Umiyak ang ginang. Halos madurog ang puso nang mga nakarinig sa kanyang panawagan.

Maraming katanungang hindi masagot sa nangyaring “masaker” sa mga miyembro ng SAF. Nagsilbi lamang ang SAF ng warrant laban sa dalawang terorista pero naging madugo ang resulta sapagkat nakaengkuwentro nila ang BIFF na tinulungan ng MILF. Pero ang nakapagtataka, wala man lang re­inforcement na dumating gayung malapit lamang ang army camp sa pinangyarihan ng masaker. At ang tanong pa, bakit inilihim ang operasyon mismo sa Acting PNP chief Director Gen. Leonardo Espina. Ayon kay Espina, huli na nang malaman niya na lumusob ang SAF sa Mamasapano. Katanungan din kung bakit nasasangkot ang pangalan ni dating PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima sa nangyaring operasyon ng SAF.

Marami pang katanungan sa nangyari. At walang kasagutan sa mga ito.

vuukle comment

ALAN PURISIMA

DIRECTOR GEN

LEONARDO ESPINA

P-NOY

PERO

PRESIDENT AQUINO

SHY

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with