^

PSN Opinyon

Matinding reaksyon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MATINDI ang reaksyon nang marami sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng MILF at mga miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) kung saan hindi pa matiyak kung ilan talaga ang namatay sa panig ng mga pulis. May nagsasabing 44, may nagsasabing higit 60. Anuman ang tunay na bilang, ito na ang pinakamalaking bilang ng mga namatay na pulis sa isang operasyon. Sinuspindi ang hepe ng SAF habang nagaganap ang im­bestigasyon. Lumalabas na walang go-signal ang isinagawang operasyon mula sa mga matat­­aas na opisyal ng PNP.

Inaasahan na magkakaroon ng liwanag ang kasalukuyang imbestigasyon sa naganap na madugong enkwentro. Pero para sa maraming mamamayan, hindi talaga maintindhan kung bakit nagkaroon ng putukan sa panig ng MILF at mga pulis, kung kailan may kasunduan na para sa pangmatagalang kapayapaan. Ano ba ang ibig sabihin ng kasunduan? Ang alam ko ay pumayag na ang MILF na bubuwagin ang mga armadong grupo nito, at isusuko na ang kanilang mga armas. Malinaw na hindi pa nagagawa iyon. Dahil ba hindi pa tapos ang usapan?

Pero bakit naman kailangang magbarilan muna, magtanong na lang kapag tapos na? Hindi ba puwedeng magtanong muna? Bakit iisipin ng MILF na nilulusob sila ng mga pulis, kung may kasunduan na nga? Hindi ba mapapasama lang ang gobyerno kung ginawa nga ito? Ito raw ang dahilan ng MILF kung bakit nila pinaputukan ang mga pulis. At bakit may mga BIFF na sumali sa barilan? May basbas ba sila ng MILF na manatili sa kanilang kontroladong teritoryo at makibahagi sa ganitong operasyon?

Nananawagan ang marami na maging mahinahon sa naganap na enkwentro, para hindi rin madiskaril ang nagaganap na talakayan sa Bangsamoro Basic Law. Napakahirap lang yata para sa mga pamilya ng mga namatay na pulis. Namatay sila dahil sa “misencounter”? Namatay sila dahil sa walang koordinasyon? Namatay sila habang pinatutupad ang kanilang tungkulin, na arestuhin ang mga kriminal? Hindi malinaw ang mga patakaran tungkol sa tigil-putukan. Hindi rin malinaw kung papayagan ba ng MILF ang mga lehitmong operasyon laban sa mga kilalang kri­minal, kung gaganapin sa mga kontrolado nilang teritoryo. Malinaw rin na napakaraming namatay sa panig ng gobyerno.

vuukle comment

ANO

BANGSAMORO BASIC LAW

KUNG

MALINAW

NAMATAY

PERO

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with