^

PSN Opinyon

‘Pagtuturuan ng sisi sa palpak na operasyon’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAGTUTURUAN ngayon ng sisi ang administrasyon kung sino ang may kasalanan at dapat panagutin sa madugong engkwentro sa Maguindanao.

Naninindigan ang pamahalaan, ‘misencounter’ ang nangyari sa pagitan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Hindi sumasang-ayon ang BITAG Live dito. Kung aanalisahin ang mga elemento ng procedure at protocol, marami ang nalabag.

Mayroong nagmagaling na pumalpak sa mapanganib na operasyon. Inakalang simple lang ang papasuking lugar. Hindi sinunod ang chain of command. Maaaring minaliit ang sitwasyon kaya wala ring koordinasyon at komunikasyon sa mga kinauukulan.

Kung pagbabasehan ang mga balita, ang mga sundalo ang sumugod sa red zone o highly-influenced area ng MILF at BIFF. Hindi nangyari ang engkwentro sa orange zone o neutral zone. Labas ito sa green zone o markadong lungga ng government forces.

Maliwanag, hindi ito misencounter bagkus malaking bulilyaso o ‘miscalculation’ sa aspetong protocol at procedure ng kung sinumang nagplano ng operasyon.

Pero kung sakaling naging matagumpay ang sikretong misyon, siguradong may nagpapasikat na ngayon. Gagamitin itong malaking accomplishment sa nalalapit na eleksyon. 

Sa televised address to the nation ni Pangulong Noy Aquino noong Myerkules ng gabi, lahat ng kaniyang mga sinabi, tama. Ngayong tapos na ang malagim na engkuwentro, alam na ng presidente ang protocol at pro­cedure.

Alam niya ang mga terrain o dadaanan bago makarating sa lugar. Alam niya na magkakamag-anak ang mga MILF at BIFF. Alam ng pangulo na may iba pang private armed forces sa lugar. Alam niya ang jumpoff site at aspeto ng mga koordinasyon.

Dito, makikita na ang presidente ang unang lumabag sa protocol and procedure. Alam niya na mapanganib ang ope­rasyon pero itinago. Hindi tinimbrehan ang pamunuan ng Interior and Local Government, Philippine National Police at Department of National Defense na sana kung naimpormahan, natutukan ang aktuwal na engkwentro para nakapagbigay ng direktiba.

Malaki ang pananagutan ng pangulo sa pilit pinaggigiitang ‘misencounter’ na ito. Subalit sa halip na isantabi ang pagtuturuan ng sisi, naghahanap pa siya nga­yon ng papanagutin base sa sarili niyang pag­huhusga sa pangyayari.

Kung nagagalit man ang taumbayan, hindi dapat doon sa peace process sa pagitan ng gobyerno at MILF. Bagkus doon sa kung sino ang nagmanipula at nag-utos ng mapanganib at patagong misyon.

Noong Martes ko pa sinimulang talakayin sa BITAG Live ang isyung ito. Matalinong inaana­lisa ang bawat punto partikular ang mga nilabag na proseso.

Sa kapalpakang ito, dapat may gumulong na ulo para panagutan ang malagim na engkwentro.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan  tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

vuukle comment

ALAM

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

KUNG

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NOONG MARTES

PANGULONG NOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with