^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Isuko ang mga pumatay

Pilipino Star Ngayon

NAGSALITA sa telebisyon si President Noynoy Aquino noong Miyerkules at dinetalye ang nangyari sa mga miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Linggo ng madaling araw. Nagtungo raw sa lugar ang mga SAF para isilbi ang warrant sa dalawang terorista pero nakaengkuwentro ang BIFF at tinulungan ng MILF. Naging madugo ang labanan. Nang matapos, 44 ang patay sa SAF. Itinuring niyang mga bayani ang mga namatay. Nalulungkot daw ang Presidente sa nangyari.

Bagama’t nagpahaging ang Presidente sa liderato ng MILF na magpakita ng sinseridad at pangalanan ang mga miyembor nila na sangkot sa pagpatay, marami ang hindi nasiyahan, particular ang mga kaanak ng namatay. Inaasahan nang marami na magbibigay nang mabigat na pananalita laban sa MILF ang Presidente kaugnay sa nangya­ring enkuwentro. Inakala nila na magpapakita ng galit sapagkat marami ang nalagas sa mga pulis. At inaasahan din na kukuwestiyunin niya ang MILF kung bakit nasa kanilang poder ang dalawang te­rorista. Sana ay tinanong ng Presidente kung ano ang ginagawa ng terorista sa kanilang lugar. Sana ay naitanong din ng Presidente na kung talagang sincere sa pakikipag-usap sa kapayapaan, sana tinulungan ang pamahalaan para madakip ang tero­rista na marami nang pinatay dahil sa pambobomba.

Pero walang pagkuwestiyon ang Presidente at bagkus hiniling pa sa sambayanan na huwag makikinig sa mga haka-haka kaugnay sa nangyari. Lantarang sinabi na huwag hayaang masira ang usapan at huwag ibasura ang Bangsamoro Basic Law (BBL). Hindi raw dapat masira ang mga nasimulan na ukol sa paghahangad ng lubusang kapayapaan.

Mabuti pa ang Senado at naging matapang nang sabihin sa MILF na isuko ang mga killer ng SAF. May mga senador din na nag-withdraw ng suporta sa BBL. Dapat lamang ang hakbang na ito. Hangga’t hindi isinusuko ang mga killer, huwag suportahan ang BBL. Dapat magpakita ng sinseridad ang MILF sa pagkakataong ito. Itakwil nila ang mga taong pumapatay nang walang kalaban-laban.

vuukle comment

BAGAMA

BANGSAMORO BASIC LAW

DAPAT

HANGGA

INAASAHAN

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SANA

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with