^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Ayuda sa mga naulila ng pulis

Pilipino Star Ngayon

SINIBAK na ang commander ng Special Action Force (SAF) na nakaenkuwentro ng BIFF at MILF sa Mamasapano, Maguindanao noong Linggo na ikinamatay ng 44 na pulis at ikinasugat ng 11. Magsisilbi ng warrant ang mga pulis sa dalawang notorious na terorista nang maganap ang labanan. Kahapon, nagsalita si President Aquino at ikinuwento ang mga nangyari kung bakit nagkaroon nang madugong enkuwentro. Ginawa ng mga pulis ang kanilang tungkulin para maisilbi ang warrant. Itinuring na bayani ang mga pulis na namatay. Nalulungkot daw siya sa nangyari. Hiniling naman ng Presidente na huwag maniwala sa haka-haka ukol sa nangyaring enkuwentro at sa mga nang-uudyok para matigil ang usapang pangkapayapaan.

Habang mainit ang debate sa pagkamatay ng mga pulis, inihahanda naman ang imbestigasyon kung bakit nagkaroon ng madugong enkuwentro at may mga mambabatas na nagbanta na magwo-walkout at i-impeached umano si P-Noy. Ayon sa mga mambabatas, ang Presidente raw ang nag-utos na salakayin ang pinagkukutaan ng dalawang terorista sa Maguindanao. Nagbabanta naman ang mga miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) alumni na mag-mass leave. Dapat daw malaman ang katotohanan kung sino ang nag-utos sa SAF para magtungo sa pinagtataguan ng dalawang terorista.

Mainit ang usapin sa enkuwentro at namimiligrong masira ang pag-uusap sa kapayapaan at ibasura na ang proposed Bangsamoro Basic Law. Natural lamang ito sapagkat marami ang napatay. Pero sa lahat nang ito, ang dapat unahin ng pamahalaan ay ang agarang pagtulong sa mga naulila. Karamihan sa mga pulis na napatay ay sila lamang ang inaasahan. May mga pinag-aaral na anak ang mga pulis. Ngayong wala na ang ama na naghahanapbuhay, wala na silang inaasahan.

Tulungan muna ang mga naulila at saka harapin ang imbestigasyon. Huwag pabayaan ang mga naulila na ngayon ay nagdurusa. Kung hindi sila matutulungan, dapat ibasura na lang ang usapan sa MILF.

vuukle comment

AYON

BANGSAMORO BASIC LAW

DAPAT

GINAWA

MAGUINDANAO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY

PRESIDENT AQUINO

PULIS

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with