^

PSN Opinyon

EDITORYAL – ‘Kinotongan’ ang mga pulis

Pilipino Star Ngayon

MAYROON pa ring hindi tinablan sa mga sinabi ni Pope Francis noong siya ay narito sa bansa. Isa sa mga sinabi niya ay ang tungkol sa corruption. Sabi ng Papa nang magsalita sa Malacañang, nararapat daw itakwil ng sinuman ang anumang uri ng corruption sapagkat ito ang umuubos ng mga biyayang dapat sana ay mapupunta sa kapakanan ng mga mahihirap. Maging hamon aniya sa lahat ang kanyang mga sinabi. Limang araw na namalagi sa bansa ang Santo Papa. Naging matagumpay ang kanyang pagbisita at walang naitalang kaguluhan habang masayang pinagbubunyi ng mamamayan. Ang mahusay na pagbabantay ng mga pulis ang itinutu-ring na pinaka-magandang nagawa sa Papal visit. Pinupuri ang mga pulis na matiyagang nagbantay para mapangalagaan ang Santo Papa.

Dalawang araw makaraang umalis si Pope Francis, lumutang na ang sinasabing corruption sa pagbibigay ng allowances sa may 28,000 pulis na nagsilbi habang nasa bansa ang Papa. Maraming pulis mula sa probinsiya at ilang bayan sa Metro Manila ang dineploy sa Maynila at Tacloban para mapangalagaan ang Papa.

Ayon sa report, tatanggap ng P2,400 ang bawat pulis na magsisilbi sa limang araw na pagbisita ng Papa. Pero ang masaklap, P700 lamang ang natanggap ng mga pulis. Nasaan ang P1,700 na kakula-ngan? Bakit kailangang ibitin pa ang pagbibigay sa mga pulis na maayos na ginawa ang tungkulin sa pagbisita ng Papa. Marami sa mga pulis ang tiniis ang sikat ng araw at ganundin naman ang buhos ng ulan. Walang alisan sa pila. Maski ang pag-ihi ay tiniis para lamang mapangalagaan ang Papa.

Ngayo’y hindi malaman kung nasaan na ang kakulangang P1,700 na dapat matanggap ng mga pulis. Nakurakot na?

Hindi na natakot ang mga kumurakot kahit pa sinabi ni Pope Francis na itakwil ang anumang uri ng korapsiyon. Kawawa naman ang mga pulis na ang karampot na allowance nila ay pinag-interesan pa.

Imbestigahan ang katiwaliang ito. Kawawa naman ang mga pulis na kinotongan ng kapwa pulis!

vuukle comment

AYON

BAKIT

KAWAWA

METRO MANILA

PAPA

POPE FRANCIS

PULIS

SANTO PAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with