^

PSN Opinyon

Tamang bayad sa right of way

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

TUNGKOL ang kaso sa pitong may-ari ng lupa sa Bula­can na ang kabuuang sukat ay 62,426.50 metro kuwa­drado.

Noong Nobyembre 7, 1997, nagsampa ng kaso sa korte ang Napocor upang legal na makuha ang right of way sa iba’t ibang parsela ng lupa na sakop ng apat na bayan ng Bulacan. Magpapatayo ang kompanya ng mga transmission lines at kakailanganin nitong maglagay ng mga kawad ng kuryente na gagamitin sa 500 KV Transmission Line Project nito sa Northern Luzon. Sangkot sa kaso ang PFI, isang kompanyang may hawak na mala­king babuyan sa lugar, ang SDC at MRI na pare­hong real estate developer at ilang pribadong may-ari ng lupa.

Sa naging sagot ng mga ito, ang unang konside­rasyon nila ay kung magkano ang ibabayad sa lupa at pangalawa, kung ang layunin ng Napocor ay para sa ika­bubuti ng pub­liko. Ang ginawa ng korte ay kumuha ng mga “commissioners” na mag-aaral sa dapat na ibayad sa lupa. Nag-inspeksyon sa lupa ang naturang mga commissioner pagkatapos ay nagsu­mite ng ulat sa korte tungkol sa karampatang bayad ng lupang kakamkamin. Gumawa  ng desisyon ang korte noong Setyembre 17, 2001 base sa ulat na isinumite. Ipinag-utos ng korte na kunin ang mga lupa mula sa mga may-ari sa halagang P600 kada metro kuwadrado para sa mga lupa ng MRI at P400 kada metro kuwadrado para sa ibang lupa sa interes na 6 percent hang­gang maging pinal ang desisyon at 12 percent mula sa pagiging pinal ng desisyon hanggang sa tuluyan na itong mabayaran. Sinang-ayunan ng CA ang desisyon ng korte.

Kinuwestiyon ng Napocor ang desisyong ito ng CA lalo at umasa lang naman daw ito diumano sa naging ulat ng mga commissioner. Kapirasong lupa lang naman daw ang kailangan upang gawing tirikan ng mga poste kaya’t ang dapat lang daw nilang bayaran ay 10 percent ng pres­­yong umi­iral sa merkado. Ito raw ay base sa Section 3A ng RA 6395 at ng batas na nag­­sisil­bing imple­­mentasyon ng RA 8974. Tama ba ang Na­pocor?

MALI. Totoong walang ka­rapatang binibigay sa Napo­cor maliban sa hinihinging da­anan o right of way at ang ka­ra­patan sa kabuuan ng lupa ay nananatili pa rin sa may-ari nito. Ngunit dahil maaapek­tuhan ng right of way ang mis­mong pagga-mit ng kabuuan ng lupa, dapat lamang na ba­yaran ito sa tamang halaga o sa tinatawag nating “fair market value”.

Ang pagkamkam ng lupa ay hindi nangangahulugan na kukunin ang posesyon nito o na kinakailangan pa na angkinin ang titulo, tulad nito, itinuturing din na kinamkam ang lupang dinadaanan ng mga kawad ng kuryente.

Sa mga ganitong kaso ng pagkamkam ng lupa ng gob­yerno o sa tinatawag nating “expropriation”, ang sinu­sunod natin ay ang pagbaba­yad ng “market value”. Ang mar­­ket value ay ang pres­yong umiiral sa merkado kung saan payag ang isang tao na bilhin ang lupa at payag din naman ang may-ari na ibenta ito ng kusang loob at hindi pinipilit.

Kung kapiraso lang ng lupa ang kakamkamin ng gob­yer­ no, ang dapat na bayad ay hindi lamang market value kundi pati rin ang danyos na aabutin ng may-ari (kung mayroon man), bawas ang halaga ng kung anumang benepisyo na matatanggap nila dahil sa pangyayari.

Kahit pa sinasabi ng Sec. 3 A ng RA 6395 at ng RA 8974 na 10 percent lang ang dapat ibayad, hindi naman obli­ga­ dong sumunod dito ang korte. Ang hukuman ang mag­papas­ya kung magkano ang tamang bayad na dapat ibigay. Ikokon­sidera lang ng hukuman ang mga ito ngunit sa huli, huku­man pa rin ang magpapasya kung tama ang gagawing pagkamkam ng lupa at kung magkano ang dapat ibayad bilang kapalit nito. (Napocor vs. Purefoods et. Al., G.R. 160725, September 12, 2008).

vuukle comment

DAPAT

KORTE

KUNG

LUPA

NAPOCOR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with