^

PSN Opinyon

Mag-ingat pa rin, kahit Pasko

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ILANG araw na lang ay Pasko na. At sigurado ilang Christmas party ang napuntahan na natin. Sa totoo nga, minsan ay ayaw ko na rin puntahan ang ilang party dahil sa ilang dahilan. Una ay ang trapik. Kalbaryo na talaga sa kalsada. Kung hindi ka rin lang aalis ng maaga, kalimutan mo nang aabot ka sa pupuntahan mo sa tamang oras. May mga okasyon na hindi na talaga gumagalaw ang trapik. Dalawa o tatlong oras ang inaabot bago makarating sa patutunguhan. Pangalawa, napakahirap pigilan ang sarili sa masasarap na handa tuwing Pasko. Tayong mga Pilipino, hindi talaga maiiwasan ang maghanda nang husto kapag Pasko. At kapag nakahain sa harap mo ang mga paborito mo – lechon, pansit, embotido, morcon, lahat ng uring barbecue, fruit salad at kakanin – hindi ka na talaga makakapigil.

Pero may dalang babala rin ang kapaskuhan. Dahil sa umaapaw ang pagkain itong mga panahong ito, dala rin nito ang peligro ng sakit. Ayon sa ilang mga kilala kong doktor, tila dumadami ang kanilang mga pasyente tuwing mag-Papasko. Gawa na rin ng hindi pag-iingat sa kinakain, lalo na mga may sakit na. Mahirap nga naman magpigil, pero kailangan pa ring mag-ingat. Hindi komo Pasko ay puwede mo nang kalimutan ang lahat, partikular mga bawal na pagkain depende sa sakit mo.

Mga may diabetes ay kailangan pa ring mag-ingat sa mga matatamis. Alam ko mahirap, pero mas mahirap ang maospital dahil hindi na-kontrol ang asukal. Hindi lahat ng oras ay kaya ng gamot ang mataas na blood sugar. Mga may altapresyon ay kailangang mag-ingat sa matataba at maalat na pagkain. Hindi komo naka-gamot ay puwede na ang lahat. At sa mga may sakit na sa bato at naka-dialysis, bantayan ang pag-inom ng tubig, softdrinks, juice at kape. Hindi araw-araw bukas ang mga dialysis center kapag Pasko, kaya kapag nasobrahan at hindi na makahinga, problema na.

Walang nagsasabi na bawal mag-enjoy itong Pasko. Ang kailangan lang ay mag-ingat. Minsan kasi nadadala tayo sa saya ng panahon, nakakalimutan natin na may sakit na pala tayo. Kung mag-iingat, mas magiging masaya ang Pasko. Walang gustong magdiwang ng Pasko sa ospital, hindi ba?

vuukle comment

ALAM

AYON

DAHIL

DALAWA

GAWA

MAG

PASKO

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with