^

PSN Opinyon

MRT at LRT fare hike

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

PUMAPALAG ang madlang rider ng Metro Rail Transit at Light Rail Transit sa gustong mangyari nang mga bright people sa DOTC na taasan ang pamadyak sa mga nabanggit kaya naman mahigpit ang pagtuli este mali pagtutol pala nila sa plano ng gobierno.

Ika nga, kakalampagin at magra-rally sila para putulan este tutulan pala ang planong fare hike!

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, ganito rin ang naging opinion nila Bayan Muna Representatives Neri Colmenares at Carlos Zarate dahil kokontrahin nila ang fare hike.

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, kaila­ngan madaliin sa Kongreso ang House Resolution 111 para bisisiin ang panukalang fare hike dahil nagbigay na nang pahiwatig ang DOTC tungkol sa pinag-uusapan natin sa itaas.

Sabi nga, magkakabisa pagkaraan ng 15 days!

Ayon kay Colmenares, dehins sila tutol sa pagpapaunlad o pagpapalaki sa rail system pero kontra sila na ipasa sa mga pobreng alindahaw ang pagkairesponsable ng pamahalaan at corporate greed at mga katiwalian.

‘Tutol din sila sa mga sweetheart deals na parang ginigisa tayo sa sarili nating mantika.” banat ni Ka Neri.

“Nananawagan kami sa liderato ng House na magpatawag ng special session para rito o magdaos ng pagdinig ang Congress Transportation Committee sa HR 111 kahit Christmas break dahil ipapatupad ang pagtaas ng pasahe sa unang Lunes ng Enero,” panawagan ni Colmenares.

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, oras na matuloyn ang fare hike, ang pamadyak sa LRT-1 mula Baclaran hanggang Roosevelt ay magiging P29 habang ang one-way trip sa LRT-2 mula Santolan hanggang Recto ay P24.

Ang biyahe sa MRT-3 sa pagitan ng North Avenue at taft Ave­nue ay P28.

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, sa kasalukuyan ang pamasahe sa  MRT ay mula P10 hanggang P15 habang sa LRT 1 at 2 ay P12 hanggang P15 at P20.

“Mali ang argumento na dapat ibaba ang subsidy sa MRT/LRT o ibigay ito sa ibang rehiyon dahil hindi nila ito nagagamit. Mali dahil ang ganitong katwiran ay maaaring gamitin laban sa mga proyekto sa ibang mga rehiyon. Halimbawa, maaaring ipatigil ng administrasyong Aquino ang pagpapagawa o rehabilitasyon sa isang tulay sa Eastern Visayas dahil hindi naman ito magagamit ng mga mamamayan ng Mindanao,” ibinida ni Colmenares.

Tirada ni Zarate,  bago magpanukala ng dagdag sa pasahe, dapat munang imbestigahan ang mataas na gastos sa operasyon at ang malaking utang ng proyekto lalo pa at ang mga taxpayer ang nagbabayad sa mga utang ng pribadong consortium na gumawa sa MRT.

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, malabo na diumano mapigilan ang fare hike dahil ito daw ang gusto nang kumpanyang hahawak nang bagong kontrata?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Abangan.

Riot sa NBP, daw

NAGBANTA ang mga  prisoner of war este mali ilang preso pala sa National Bilibid Prison dahil magbabaha raw ng dugo sa bilibid this coming Christmas season oras na ipagpatuloy ng DOJ at NBI ang mga pagsalakay todits.

Sabi nga, magra - RIOT sila sa kulungan?

Ika nga, matira ang matibay. Hehehe!

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, hightened alert sa NBP dahil sa bantang riot?

Sabi ng mga asset  nang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa ginawang pagsalakay ng grupo ni DOJ Secretary Leila de Lima sa mga mayayaman convicted prisoner marami diumano ang nadamay dahil ang nadale lamang daw ang ilang magkaka-kosa at may hinalang nagkaroon nang laglagan matapos daw magtsu-tsu ang ibang gang members kaya nagkaroon ng biglaan raid sa mga kubol nang mga bigtime preso sa loob nang mga kubol nila.

‘Matataas na kalibe ng mga boga, shabu, hi-tech gadgets, mamahaling kagamitan sa banyo tulad ng jacuzzi, sauna, bath tub, may mga opisina at studio type music room na mga naka-airconditioned pa ang nakuha, celphones, cctv camera, mga iba’t - ibang denomination na salapi at marami pang iba.’ Sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Malaking problema ito at kailangan pag-ukulan ng pansin at huwag munang mag-relax ang gobierno dahil baka totohanin ang blackmail este mali banta pala!’

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, dapat sibakin sa lalong madaling panahon ang mga bantay sa bilibid at palitan ng Philippine Marine, Army o PNP SAF na hindi nila puedeng kurapin at duruin.

Ika nga, top to bottom revamp sa NBP!

Sabi nga, pati janitor sibakin.

‘Hindi naman lalaki ang ulo nang mga mayayaman bilanggo sa NBP kundi kinonsinte ito ng ilang mga nakipagsabwatan NBP authorities.’ sabi ng kuwagong urot.

Abangan.

vuukle comment

ASSET

AYON

COLMENARES

DAHIL

IKA

KUWAGO

NANG

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with