^

PSN Opinyon

Pronouncements vs. body language

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

Naging matunog na ang bali-balitang may posibilidad na tatakbo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagkapangulo sa darating na 2016 national elections.

Ngunit ito ay ilang ulit na ring idiniin ni Duterte na wala siyang balak, hindi siya interesado at hindi siya kwalipikado maging pangulo ng bansa.

Sa bawat panayam niya sa media ay sinasabi niyang ayaw niya at wala talaga siyang planong tumakbo bilang pangulo.

Ito ay sa kabila ng pagpupumilit ng ilang indibidwal at maging mga organisasyon na umuudyok sa kanya na patakbuhin siya.

Ngunit sa kabila ng kanyang pronouncements iba naman ang sinasabi ng  body language ni Duterte.

Iba na ang naging gawain ni Duterte nitong mga huling araw.

Kung dati hindi gumising ng maaga si Duterte, ngayon ay pinupuntahan na niya ang mga maagang engagements.

At kung dati hindi naman niya tinatanggap ang mga speaking engagements, ngayon ay laman na si Duterte ng halos lahat ng national conventions dito at sa iba pang bahagi ng bansa.

At himala na ring tinanggap ni Duterte ang imbitasyon ng militar at maging ng Philippine National Police na maging speaker siya sa kanilang mga events sa Camp Aguinaldo at Camp Crame.

Ano nga ba talaga Mayor Duterte? Tatakbo ka ba o hindi?

Di bale na, may ilang buwan na lang at October 2015 na. Ito ang takdang panahon upang mag-file ng certificate of candidacy ang sino mang may balak tumakbo sa mga national offices gaya ng president at vice president.

At sa pagdating ng takdang panahon malalaman din kung ano ang plano ni Duterte. Kung tatakbo ba siya sa pagkapangulo o hindi.

vuukle comment

ANO

CAMP AGUINALDO

CAMP CRAME

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

MAYOR DUTERTE

NGUNIT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with