^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Inspeksiyunin din ang ibang kulungan

Pilipino Star Ngayon

NAKAGIGIMBAL ang natuklasan sa New Bilibid Prison (NBP) na ang mga convicted drug lords ay namumuhay nang maginhawa, maayos at nananagana sa pera na para bang wala sa “loob”. Nakagigimbal ding malaman na nagagawa ng mga convicted drug lord ang kanilang masamang ga-wain habang nasa loob at mas maluwag pa. Nadiskubre ang mga sachet ng shabu sa mga “kubol’’ ng drug lords at sandamukal din ang perang naroon, mga dollars pa. Nakakita rin ng matataas na kalibreng baril sa mga “kubol”. Sa isa sa mga kubol ay may mga alak, sex toys, machine na pangbilang ng pera at kung anu-ano pa. Karamihan sa mga kubol ay airconditioned at mayroong bathtub samantalang sa isa pang high profiled convicted drug lord ay may Jacuzzi.

Nakagigimbal din ang natuklasan na may recording studio sa NBP at ang isang convicted drug lord ay maglulunsad ng kanyang album. Saan naman nakakita na puwedeng maipasok ang mga kagamitan sa studio. Ayon sa mga convicted drug lord, may pahintulot ng mga opisyal ng Bureau of Corrections (Bucor) kaya naipasok ang mga kagamitan sa concert ng mga bilanggo.

Kung ang mga malalaking kagamitan ay naipasok, posibleng maipasok din ang mga kagamitan sa paggawa ng shabu. Kung pinayagan ng mga tiwaling opisyal ng BuCor na maipasok ang mga gamit sa pagrerekord, tiyak na maipapasok din ang mga makinang paggawa ng shabu.

Kung nagagawa ito sa NBP, maaaring magawa rin ito sa iba pang kulungan at jail sa buong bansa. Kailangang magsagawa ng pag-iinspeksiyon ang Department of Justice sa lahat ng bilangguan. Baka mas matindi rin ang nasa iba pang bilangguan. Baka sa mga bilangguan ay may imbakan ng bala at baril o di kaya’y shabu laboratory.

Posibleng mangyari ito. Kung nangyari sa NBP, maaaring mangyari rin ito sa iba pang bilangguan. Dapat sibakin lahat ang mga opisyal ng BuCor. Kahapon, mayroon nang ilang sinibak na opisyal, pero marami pa ring matataas na opisyal ang hindi matibag-tibag sa puwesto. Sobrang lakas ng iba pa nila kaya patuloy pa rin sa panunungkulan.

vuukle comment

AYON

BUCOR

BUREAU OF CORRECTIONS

DAPAT

DEPARTMENT OF JUSTICE

DRUG

NAKAGIGIMBAL

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with