^

PSN Opinyon

Sino ang may problema?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MASYADONG malalim ang problema daw sa NBP. Ito ang pahayag ng Palasyo mismo sa mga nadiskubreng marangyang pamumuhay ng mga VIP na bilanggo, na hinihinalang mga nagpapatakbo pa rin ng iligal na droga kahit nakakulong. Pero sino ang may problema, mga bilanggo, o ang mga opisyal? Alam na ng lahat ang mga nakita sa kanilang mga “kulungan”. Mga magagandang gamit na mga mayayaman na malayang tao lamang ang makabibili. At patuloy pa rin ang pagdiskubre ng mga kontrabando. May laminating machine, may projector, may mga alak at sex toys kaya sigurado may mga nakakapasok na babae para paggamitan ng mga sex toys na ito, maliban na lang kung ginagamit ng mga VIP sa kapwa lalaki. Napapailing ang buong bansa sa mga nadiskubre sa biglaang inspeksyon. Umiikot na ang mga biro hinggil dito. Mas masarap pala mabilanggo, kaysa maging malaya.

May mga nadiskubre pang mga dokumento na pinir­mahan ng ilang mga opisyal ng NBP na nagbibigay pahintulot na ipasok ang mga nakitang kagamitan, tulad ng mga TV at aircon, at iba pang appliances. Pero malinaw na hindi pwedeng magpasok ng mga electronic devices at appliances sa kulungan, lalo na mga panluho lamang. Kaya kailangang magpaliwanag ang mga nakapirma sa mga pahintulot na iyan. Dapat nga suspindihin na. May dokumento pala na may pirma nila, ano pa ba ang kailangan? Sentido komon na bawal ang mga pinayagang kagamitan para sa isang kriminal na nakakulong! Ano pa ang silbi ng kulungan kung mas masarap pala ang buhay sa loob?

At sa akin naman, ang tatak ng magaling na pinuno ay alam ang lahat ng nangyayari sa kanyang pinatatakbong ahensiya o institusyon. Ano ba naman ang ikutan kahit isang beses sa isang buwan ang buong NBP, para makita kung ano ang tunay na nangyayari sa loob? Lumalabas na ang mga nasa ilalim niya ang nagpapatakbo pala ng NBP, at hindi siya? Ganun ba kagaling ang mga VIP na bilanggo na maitatago nila ang mga naka set-up na TV, aircon, projector, Playstation, wi-fi, kusina, kama, jacuzzi, music studio at iba pang pampasarap ng buhay kapag umikot na ang hepe, tapos ibabalik na lang kapag nakaikot na? Ewan ko ba. Mas masama pa ang mga terminal ng NAIA kaysa sa NBP, na sigurado makikita ng buong mundo. Only in the Philippines na naman.

Ang hindi na talaga dapat gawin ay ibalik pa sa NBP ang labinsiyam na VIP na bilanggo na ngayon ay nasa NBI. Kung ibabalik sila, at nandoon pa ang mga guwardiya, opisyal at kung sino pa diyan, wala rin. Mauulit lang ang lahat na iyan, hangganag sa susunod na biglaang inspeksyon, kung meron pa. Ngayon pa lang siguradong umaandar na ang pera ng mga VIP na iyan para maibalik sa kanilang masasarap na buhay sa NBP. Kung walang mabibiling guwardiya at opisyal, hindi mangyayari ang ganyang sistema sa NBP.

 

vuukle comment

ALAM

ANO

DAPAT

EWAN

GANUN

KUNG

NBP

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with