^

PSN Opinyon

MAD ang labanang Roxas vs Binay

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

UMIIWAS ang Russia at America sa komprontasyong nuclear. Batid nila na kapag magpasabog ng atomic warhead ang isa sa kanila, agad ito sasagutin ng kabila. Ang pagkawasak ng siyudad ng isa ay gagantihan ng kabila, hanggang magkaubusan. Ito ang tinatawag nilang M.A.D., o mutually assured destruction, “tiyak na kapwa pagkadurog.”

Maihahantulad sa M.A.D. ang awayan nina VP Jojo Binay at Interior Sec. Mar Roxas. Si Binay ang pinuno ng United Nationalist Alliance, at si Roxas ng Liberal Party. Malayo pa ang 2016 presidential election na inaasam nilang kandidatuhan, nagsisiraan na sila. Suspetsa ni Binay, si Roxas ang nagpakana ng imbestigasyon sa Senado sa umano’y katiwalian niya. Mga kaalyado ni Roxas ang mga umuusig kay Binay mula sa Nacionalista Party, sina Sen. Alan Peter Cayetano at Antonio Trillanes. Galit naman si Roxas dahil inagaw ni Binay nu’ng 2010 ang pagka-VP, na springboard sana niya sa Pangulohan sa 2016.

Sa masyadong maagang siraan ng dalawa, parehong bumababa ang survey ratings. Si Binay, na 31% presidential preference sa Pulse Asia poll nu’ng Set., bumagsak nang 5 punto sa 26% nitong Nob. Si Roxas, 13% nu’ng Set, ay bumagsak nang 7 punto, sa 6% na lang. M.A.D.!

Umangat si Sen. Grace Poe nang 8 points, mula 10% nu’ng Set. hanggang 18% ngayon. Si Sen. Miriam Defensor Santiago umangat nang 1 point, mula 11% hanggang 12%.

Pero mahirap isali sa “presidentiables” si Poe dahil hindi interesado, at si Miriam dahil maysakit. Suriin na lang ang sumisimpleng si Sen. Bongbong Marcos, 4% noon at ngayon. Kung magpatuloy ang M.A.D. nina Binay at Roxas, baka ang anak ng diktador na nilabanan nila (at natin) ang makapuslit sa Malacañang. Tandaan, hawak pa ng pamilya niya ang daan-daang-bilyong-pisong nakaw na yaman ng ama.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

 

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

ANTONIO TRILLANES

BINAY

BONGBONG MARCOS

GRACE POE

INTERIOR SEC

JOJO BINAY

ROXAS

SI BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with